• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH handa sa COVID-19 surge

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na handang-handa sila ngayon sa anumang uri ng surge ng COVID-19 kasunod ng pag-amin na umakyat ang positivity rate nito matapos ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naitala na sa 7.6% ang positivity rate mula sa 6.9% noong nakaraang linggo. Lagpas ito sa ‘threshold’ o pamantayan na 5% na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ani Vergeire, mula 274 average na kaso kada araw ay nasa 371 na ito.

 

 

Ngunit handang-handa umano ang health system ng bansa para sa panibagong surge kung mangyayari man ito. Ito ay dahil sa maayos nang sistema na naitakda sa mga pagamutan, dagdag na kaalaman ng mga healthcare workers at presensya ng mga bakuna at gamot.

 

 

Hindi rin umano dapat gamitin ang positivity rate sa antas na sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.

 

 

Ipinaliwanag niya na mababa ngayon ang demand sa laboratory testing dahil sa marami sa mga tao ay gumagamit ng antigen testing o nagsi-self isolate na lang kapag nakaramdam ng sama ng pakiramdam. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-PBA star player, naghain ng kandidatura bilang konsehal sa Maynila

    NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang dating Philippine Basketball Association (PBA) star player na si Paul “Bong” Alvarez bilang “aspirant councilor” sa ikatlong Distrito sa Lungsod ng Maynila nitong Miyerkules, Oktubre 2.     Kilala si Alvarez sa tawag na “Mr. Excitement” dahil sa bilis at liksi nito sa paglalaro ng basketball noong […]

  • Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa

    KAKULANGAN  sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.     Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa […]

  • MARIANO, GINEBRA LALAPIT PA SA TITULO

    Lagay ng best-of-seven series: Lamang ang Barangay Ginebra San Miguel sa TNT, 2-0     Resulta ng serye: Game 1 nitong Linggo, Nobyembre 29: Barangay Ginebra San Miguel 100, TNT (94 (OT) Game 2 nitong Miyerkoles , NDisyembre 2: Barangay Ginebra San Miguel 92, TNT 90     Game 3 ngayong Biyernes, Dis. 4: (AUF […]