DOH handang magpa-¬audit sa biniling COVID-19 vaccines
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA ang Department of Health (DOH) na magpasailalim sa auditing ukol sa mga biniling COVID-19 vaccines makaraang madiskubre ng Senado na hindi pa ito naisasagawa ng Commission on Audit (COA).
“On the subject of COVID-19 vaccine expenditures, the DOH is ready to coordinate and comply with the COA’s auditing process and provide all required documents available to the DOH in accordance with existing laws,” ayon sa opisyal na pahayag ng DOH.
Sinabi rin ng DOH na handa rin nitong harapin ang anumang imbestigasyon tungkol sa implementasyon ng programa.
“The DOH welcomes any inquiries from our partners in the Congress and the Commission on Audit concerning the DOH’s performance of its mandates,” saad pa ng DOH.
Ipinunto rin ng DOH na bukod sa kanila ay kasama rin sa negosasyon at procurement process ang ibang ahensya tulad ng National Task Force on COVID-19, Department of Finance, at Department of Foreign Affairs base sa RA 11525 o ang COVID-19 Vaccination Law.
Noong Martes, Nobyembre 15, sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na hindi pa nagbibigay ang COA ng audit sa COVID-19 vaccines na binili mula 2020 hanggang 2021.
May kabuuang 165,439,563 COVID-19 vaccine doses na ang naibigay sa bansa noong Nob. 15, batay sa COVID-19 vaccination dashboard ng DOH. Marso 1,2021 nang simulan ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination program. (Daris Jose)
-
MAVY at CASSY, binaha ng birthday greetings at ‘di naman nagpahuli sina DARREN at KYLINE
TWENTY-ONE years old na pala ang famous twins na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi noong January 6, 2022. May kanya-kanya namang post ang Kapuso stars sa kanilang Instagram account bilang bahagi ng kanilang 21st birthday. Nakatutuwa ang pinost ni Mavy na throwback at […]
-
KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!
Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba? Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa. […]
-
Sharon, nanggulat sa IG post na naka-bathing suit
MARAMING natuwa na mga fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa panggugulat niya last Monday, November 2, sa kanyang Instagram post na naka-bathing suit kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan. Bago siya nag-post nito, nagpakita muna si Sharon na nagti-thread mill siya dahil gusto raw niyang pumayat, bumili raw kasi siya […]