• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sharon, nanggulat sa IG post na naka-bathing suit

MARAMING natuwa na mga fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa panggugulat niya last Monday, November 2, sa kanyang Instagram post na naka-bathing suit kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan.

 

Bago siya nag-post nito, nagpakita muna si Sharon na nagti-thread mill siya dahil gusto raw niyang pumayat, bumili raw kasi siya ng mga bagong dress at kailangang magkasya siya roon.

 

Caption ni Sharon: (seems like these were forever ago…) O ayan na. Kahit di pa payat, pumapayat naman. Isipin nyo na lang ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisikatan ng araw!) Makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango, mabango siya talaga! Eh, totoo naman. Sabi ko nga, may bagyo naman, so gulatin ko kayo.

 

“Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Pwede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po, safe kaming lahat!!!”

 

*****

 

NATUWA ang mga fans ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid nang mapanood nila last Sunday, nang mag-perform siya sa All-Out Sundays na new look na siya, maikli na ang buhok kaysa dating quarantine look niya na laging nakasabog sa face niya.

 

Positive naman ang feed-back mula sa mga netizens at inihambing pa siya sa mga Korean ‘oppa’ or mga Korean celebrities.

 

Ginawa na ito ni Ruru bilang paghahanda para sa upcoming GMA Pulic Affairs series niya sa Lolong. Excited si Ruru dahil balik- aksiyon siya rito at dalawang magagandang leadin ladies ang makakasama niya, sin Arra San Agustin at Shaira Diaz.

 

Happy si Ruru na muling makatambal si Arra dahil nagkasama na sila sa Encantadia noong bago pa lamang sila pareho sa showbiz. Si Ruru sa katatapos lamang noon sa Protege: The Battle for the Big Artista Break. At si Arra naman ay graduate noon ng StarStruck 6.

 

Pareho namang na-excite sina Arra at Shaira nang malaman nilang mag- aaksiyon din sila sa Lolong. Sa ngayon ay kasalukuyan na silang naghahanda para sa lock-in taping.

 

Habang patuloy pang napapanood si Ruru sa recap ng Encantadia at malapit na ring pumasok sa epic serye si Arra. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs […]

  • Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30

    SINABI ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte  na ang  ilegal na droga  sa bansa ay national security issue kaya’t  marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar.   Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw .   Giit ng Chief […]

  • Puwede nang ma-experience ang napanood sa K-drama series: CHAVIT, maghahanap pa ng perfect Pinoy endorser para sa sikat na ‘bb.q Chicken’

    PINANGUNAHAN ni former Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson kasama ang kanyang lovely daugther na si Vanessa Singson, ang pagbubukas ng second branch ng sikat na South Korean food chain restaurant na ‘bb.q Chicken’, na matatagpuan sa labas ng third level ng Robinsons Magnolia, na malapit din sa mga sinehan.     Ang ‘bb.q’, na […]