• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Hindi pa kailangan ng red alert kahit may ‘local transmission’ ng COVID-19

HINDI pa raw nakikita ng Department of Health ang pangangailangan na magdeklara ng code red alert sa Pilipinas kahit nakapagtala na ng pinaghihinalaang local transmission ng COVID-19 sa bansa.

 

Ito ang paglilinaw ni Health Sec. Francisco Duque matapos na may dalawang Pilipino ang nagpositibo sa sakit.
“Well, there is no (local) transmission to speak of as of yet because we only have one (suspected). That’s why we’re doing contact tracing. To establish whether or not there are other cases, but now its premature to say that there is local transmission.”

 

“You can speculate but we have to be evidence based.”

 

Isang 48-anyos na lalaking may travel record sa Japan ang ikaapat na tinamaan ng COVID-19. Nilagnat daw ito noong March 3. Eksaktong isang linggo mula nang umuwi galing Tokyo.

 

Ang isa naman ay 62-anyos na nakilalang regular na bumibisita sa isang Muslim prayer hall sa Greenhills, San Juan. Wala itong travel record sa labas ng bansa at tanging hypertension at diabetes lang ang sakit bago nag-positibo sa COVID-19.

 

Pinapayuhan naman ang mga taong malimit na magpunta sa prayer hall at may nanaramdamang sakit na tumawag sa DOH hotline (02)8-651-7800 loc 1149-1150.

 

Nasa pangangalaga na raw ng RITM ang dalawang Pinoy, kasama ang isang kamag-anak ng ikalimang kaso na nakitaan din ngayon ng sintomas ng sakit.

Other News
  • DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project

    TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon.     Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay […]

  • PBBM naglabas ng P173-M standby funds para sa apektado ng Super Typhoon Egay

    PINATITIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay.     Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon.     Nananatiling nakatutok ang Pangulo […]

  • DBP dividend cut, walang kaugnayan sa Maharlika Investment Fund

    PINABULAANAN ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang alegasyon na ang Development Bank of the Philippines (DBP) dividend cut  ay naglalayon na panatilihin ang  capital para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).     Sa isang kalatas, sinabi  ni Diokno na ang  government banks gaya ng DBP at Land Bank of the Philippines (LBP) ay pinayagan […]