• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay power sa Vietnam SEA Games

HINIRANG si two-time world gymnastics cham­pion Caloy Yulo bilang unang Pinoy athlete na kumubra ng tatlong gold medals sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang kanyang ikalawa at ikatlong gintong medalya nang maghari sa men’s floor exercise at still rings para idagdag sa naunang panalo sa individual all-around kamakalawa.

 

 

Umiskor ang Tokyo Olympian ng 15.200 points sa floor exercise at 14.400 points sa still rings para sa paghakot ng Team PHL  sa pitong gold medals.

 

 

Bigo si Yulo, kumuha ng dalawang golds noong 2019 Manila SEAG, na mahirit ang ikaapat na ginto nang tumapos sa ikaanim sa pommel horse event.

 

 

Nakatakda pa siyang sumalang sa high bar, pa­rallel bars at vault ngayong araw.

 

 

Nakamit naman nina triathlete Kim Mangrobang at Fil-Am gymnast Aleah Finnegan ang kani-kanilang ikalawang ginto matapos magreyna sa women’s duathlon at vault, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nauna nang nagwagi si Mangrobang sa individual triathlon at kasama si Finnegan sa panalo sa women’s team event ng gymnastics.

 

 

Kumuha rin ng gold sina Agatha Wong (women’s taijijian) at Arnel Mandal (men’s sandra 56kg) sa wushu at William Morrison (men’s shot put) sa athletics.

 

 

Binasag ni Morrison ang sarili niyang SEA Ga­mes mark para sa bagong 18.41m record.

 

 

May kontribusyong silver medal sina fencer Nathaniel Perez (men’s foil individual), jiu-jitsu fighter Jollirine Co (women’s U-45kg. nogi) at Janry Ubas (men’s long jump).

 

 

Nagdagdag ng bronze sina cyclists Naomi Gardoce (women’s MTB downhill individual) at John Derick Farr (men’s MTB downhill individual), Sonny Wagdos (men’s 5000m run), Joida Gagnao (women’s 3000m steeplechase), tennis pla­yers Alex Eala, Marian Capadocia, Shaira Rivera at Jenaila Prulla (women’s team event), jiu-jitsu fighters Jan Vincent Cortez (men’s U-56kg nogi) at Marc Lim (men’s -69kg) at pencak silat warrior Alvin Campos (men’s tanding Class F).

Other News
  • 3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police

    ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO.     Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET […]

  • Malacanang: P3 billion nakalaan sa fuel subsides

    TINIYAK ng Malacanang na may nakalaan na P3 billion ang pamahalaan para sa fuel subsidies at discounts sa industriya ng transportasyon upang mabigya ng relief ang maaapektuhan ng pagtaas ng langis at krudo.     “Under the GAA or the General Appropriations Act, P2.5 billion is appropriated and to be used to provide financial assistance […]

  • Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG

    PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon.       Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon.     Sinabi ni Solicitor Gene­ral Menardo Guevarra na ang […]