DOH: ‘Karamihan ng namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas, edad 60-69’
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nagbago ang demographics o populasyon ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa.
Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat tungkol sa ilang kaso ng COVID-19 deaths sa mga kabataan.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nasa hanay pa rin ng matatanda at may iba pang iniindang sakit ang bilang ng karamihan sa mga namamatay na kaso ng COVID-19 sa estado.
“Demographics are still the same ‘pag tiningnan natin yung deaths natin, nandoon pa rin tayo na mas malaki yung porsyento ang mga namamatay among our elderlies and those with commorbidities.”
“Kung titingnan natin yung disaggregation according to age, makikita natin na talagang marami pa rin don sa ‘aged group,’ ibig sabihin mga matatanda.”
Paliwanag ni Vergeire, bumaba pa sa 1.28% ang katumbas ng bilang ng mga batang edad 10-taong gulang pababa ang namamatay sa COVID-19 nitong August 25. Mas mababa ito sa 1.43% deaths ng naturang age group noong July 31.”
Sa huling tala ng DOH, pinakamataas ang COVID-19 deaths ng mga Pilipino na nasa pagitan ng edad 60 hanggang 69-years old na nasa 28%. Sumunod ang 70-79 age group na 22.58%.
“The younger age group, although mayroon tayong numero mga namamatay sa kanila, pero hindi pa ganoon kadami para masabing nagbago na ang demographics ng pagkakamatay due to COVID-19 dito sa ating bansa.”
Kung maaalala, sinabi ng World Health Organization – Western Pacific kamakailan na malaking bilang ng infected sa COVID-19 sa rehiyon ay nasa pagitan ng edad 20 hanggang 40 years old.
-
Chua matigas kay Slaughter
BINUNYAG ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua na si Gregory William Slaughter ang hindi kumausap sa kanila para sa contract extension sa Barangay Ginebra San Miguel. Ayon sa BGSM governor at team manager din, hindi nagpakita si ‘Gregzilla’ sa kanilang opisina sa Manfaluyong isang linggo matapos magkampeon ang Gin Kings sa 44th […]
-
Payo ni Panelo kay NBI director Santiago: Go back to law school
PINAYUHAN ni dating presidential spokesman Salvador Panelo si National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago na bumalik sa law school matapos nitong irekumenda ang paghahain ng criminal charges laban kay Vice President Sara Duterte. Tila ipinamukha ni Panelo kay Santiago na ang rekomendasyon nito ay walang “factual o lawful basis.” Inirekomenda kasi ng NBI ang […]
-
Beyond Compliant Gawad Kalasag
GINAWARAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Beyond Compliant Gawad Kalasag (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal para sa taong 2024. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang karangalang ito ay kanilang nakamit dahil sa pagsasama-sama ng bawat Navoteño para mananatiling handa at […]