Chua matigas kay Slaughter
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
BINUNYAG ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua na si Gregory William Slaughter ang hindi kumausap sa kanila para sa contract extension sa Barangay Ginebra San Miguel.
Ayon sa BGSM governor at team manager din, hindi nagpakita si ‘Gregzilla’ sa kanilang opisina sa Manfaluyong isang linggo matapos magkampeon ang Gin Kings sa 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup 2019-2020 nitong Enero para mapag-usapan ang napaso niyang kontrata.
“Alam ninyo, sa basketball, PBA or sa corporate, kapag expired ang contract mo, ikaw ang lalapit sa team. You are going to ask, expired na ako, baka puwede akong mag-renew. Hindi kami ang lalapit para tanungin kung ire-renew ka namin. Sa dami ng players, hindi namin malalaman,” pagtatanggol nito sa sarili.
Dagdag pa ni Chua, “so I guess, si (Coach Earl Timothy) Tim (Cone) ang nakipag-usap. Nagsabi si Tim na gusto raw magpahinga so nasa sa kanya ‘yun. Gusto niya magpahinga.”
Pinasinungalingan din ng opisyal ang mga ulat na ipagpapalit si Slaughter para kay Christian Standhardinger kay NorthPort banger Christian Standhardinger para sa 45th PBA Philippine Cup 2020 na magbubukas sa darating na Marso 8.
“Kung may trade rumor, punta kayo ng PBA kung may sinubmit kami na trade form doon,” giit ni Chua
At hinirit niyang wala siyang planong si Chua aluin ang seven-foot slotman para irekonsidera nito ang desisyon magpahinga muna sa paglalaro.
“Hindi naman siguro kailangan kasi wala naman siyang ni-reach out kahit sino. Again, that’s his decision. He is old enough. No one or me to question him bakit niya ginawa, bakit ganito, kasi nasa hustong gulang na. Nasa tamang edad na siya para makapag-desisyon kung ano talaga ‘yung pakay niya or what he wants. So respetuhin na lang natin,” wakas na litanya ni Chua.
-
PHILIP, BATO, GO NAGHAIN NA RIN NG KANILANG COC
SA kauna-unahang pagkakataon ay sasabak na rin sa pulitika ang aktor na si Philip Salvador sa ilalim ng Partido PDP Laban. Si Philip Salvador ay tatakbo bilang Senador matapos pormal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy ngayong araw sa Manila Hotel Tent City. Isa sa plataporma ng aktor ang peave and order […]
-
YASSI, kinatuwaan ni SHARON sa pinakitang gesture at respeto sa katulad niyang mas senior
WHILE browsing the Instagram account of Sharon Cuneta ay nakita namin ang video kung saan lumapit si Yassi Pressman sa Megastar at binati ito. Nangyari ito sa shoot ng ABS-CBN Christmas Special. Sobrang natuwa si Sharon sa gesture ni Yassi. “Hi Yassi. Hi, nice to meet beautiful girl. Nice that […]
-
Mas malaking pondo, kailangan ng DepEd sa ilalim ng new normal – official
Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na mangangailangan umano sila ng mas malaking pondo sa darating na taon kasabay sa ginagawang adjustment ng kagawaran bunsod ng mga pagbabagong hatid ng coronavirus crisis. Paliwanag ni DepEd USec. Jesus Mateo, inaasahan na nilang lalaki ang bilang ng kanilang mga kawani dahil sa pinaghahandaang transition patungo sa […]