• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas

NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea.

 

Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu vaccine.

 

“We in the Philippines, we also undertake AEFI (Adverse Events Following Immunization) or regular surveillance with flu vaccine and as of this time there’s no reported AEFI with flu vaccine in the country,” ani Dr. Beverly Ho, DOH Director IV sa isang media forum noong Biyernes.

 

Ayon sa opisyal, sinuri na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang logs and batches ng flu vaccines na dumating sa bansa, pero wala sa mga ito ang vaccine brands na ginamit sa South Korea.

 

Nauna nang ipinahinto ng Singapore Health Ministry at kanilang Health Sciences Authority ang paggamit ng flu vaccines na SKYCellflu Quadrivalent at VaxigripTetra.

 

“Our flu vaccines are safe and the national immunization program of DOH will continue to push through as planned, and other vaccination activities. We’ll monitor and issue future issues or warning when it will be needed.”

 

Sinabi ng Korea Disease Control and Prevention Agency na karamihan sa mga namatay ang nasa pagitan ng edad 70 hanggang 80-anyos. FLU VACCINE SHORTAGE?

 

Samantala, aminado ang FDA na nagkakaroon ng aberya sa supply ng ilan pang bakuna dahil sa laki ng demand.

 

Ayon kay Usec. Eric Domingo, director general ng FDA, tumaas ang demand sa flu at pneumonia vaccines sa bansa dahil sa takot ng ilan sa COVID-19.

 

“We checked with vaccine suppliers and wala naman silang sinasabi na shortage ng supply.”

 

Kamakailan nang umapela sa DOH si Quezon Gov. Danilo Suarez para tulungan ang probinsyang makapag- angkat ng bagong supply ng flu vaccines.

 

Pero paliwanag ni Domingo, maaaring lumapit sa regional office ng Health department ang lokal na pamahalaan para matulungan silang makabili ng bagong flu vaccine supply.

 

“Siguro kailangan lang nilang magpatulong sa regional office ng DOH. Kasi syempre ang common na binibentahan kasi ng mga suppliers ng vaccines would be governments and hospitals, and of course doctors.”

 

“As of now there’s no reported flu vaccine shortage in the country.”

Other News
  • Nagsalita sa sobrang closeness nila ni Piolo… RON, pinapangarap na makasama rin sa movie si KATHRYN

    ISA si Ron Angeles sa sumuporta sa Gala Premiere ng ‘Kono Basho’ noong August 6 na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay, na kung isa ito sa naging entry sa katatapos lang na ‘Cinemalaya XX’ na mula sa Project 8 Projects at Mentorque Production.       At sa naging tsikahan namin bago ang premiere […]

  • Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño

    IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan.     Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall […]

  • Bago sumabak sa pagluluto ng handa sa Bagong Taon: JUDY ANN, pinalakpakan sa paandar na target shooting

    TULAD ng nakaugalian na ng kanilang pamilya ay sa bahay-bakasyunan nila sa Batangas sinalubong nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, with kids Yohan, Lucho and Luna, ang Bagong Taon.     Kasama ang halos buong pamilya nila on both sides, tulad ni Mommy Carol Santos ni Judy Ann at ilang piling kaibigan, ilang araw […]