• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Mga deboto na nagpunta sa Quiapo mag-self quarantine

Upang makatiyak na hindi mahahawahan ang mga kapamilya kung sakaling nakakuha ng COVID-19, pinayuhan ng Department of (DOH) na mag-self quarantine muna ang mga deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo nitong Sabado.

 

Sa Facebook post ng DOH, ipinayo nito na mas makabubuting obserbahan muna ng mga deboto ang kanilang mga sarili kung mayroon silang sintomas ng COVID-19. Dapat din na iwasan muna ang makipag-ugnayan sa mga matatanda at mga vulnerable na mi­yembro ng pamilya.

 

Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay ang lagnat, ubo, kawalan ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan at ulo, pananakit ng lalamunan, baradong ilong, pamumula ng mata, pagtatae at pamamantal ng balat.

 

Pinayuhan din sila ng DOH na sa sandaling makaramdam ng anumang sintomas ng sakit ay kaagad na makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa kanilang barangay.

 

Nanawagan din ang DOH sa mga lokal na pamahalaan na palakasin pang lalo ang kanilang ‘active surveillance’ sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga residente na nagtungo ng Quiapo at nakararanas ng sintomas ng COVID-19 upang agad na maaksyunan.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Action-drama series ni COCO, mapapanood na sa 41 countries sa Africa

    IBANG klase rin naman talaga ang widely-followed series na FPJ’s Ang Probinsyano.     Starting this July 1 ay mapapanood na ang action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin sa 41 countries sa Africa.     So ibig sabihin malayo pa talaga ang tatakbuhin ng FPJAP dahil sa bagong development as far as the series […]

  • Napili sina Dennis, Julie Anne at Andrea: Mahusay na pagganap ni BARBIE sa ‘Maria Clara at Ibarra’, inisnab

    ANO kaya ang magiging reaction ng mga fans ni Primetime Princess Barbie Forteza, at ng mga netizens na gabi-gabing sumusubaybay sa “Maria Clara at Ibarra” na parang hindi pinansin ng Philippine TV & Film Updates ang acting niya bilang si Klay?       Napili nila kasi ang performances sa serye nina Dennis Trillo bilang Best […]

  • Disney and Pixar’s ‘Lightyear’ Trailer Offers A Fresh Look At Chris Evans’ ‘Toy Story’ Spinoff

    DISNEY and Pixar share a fresh trailer for Lightyear, the animated spinoff of Toy Story starring Chris Evans as the voice of Buzz Lightyear.     Toy Story franchise, which began in 1995 with the most recent entry, Toy Story 4, released in 2019. The Toy Story franchise focuses on sentient toys, which people are unaware of, that overcome […]