DOH: Mga doktor na nag-reseta ng ivermectin, pina-iimbestigahan na sa PRC, FDA
- Published on May 4, 2021
- by @peoplesbalita
Naipadala na ng Department of Health (DOH) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang liham na nage-endorsong maimbestigahan ang mga doktor na nag-reseta ng ivermectin sa Quezon City noong nakaraang linggo.
“Nakapagpadala na tayo ng formal letter sa PRC last Friday, and they have acknowledged this,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Naipadala na ng Department of Health (DOH) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang liham na nage-endorsong maimbestigahan ang mga doktor na nag-reseta ng ivermectin sa Quezon City noong nakaraang linggo.
“Nakapagpadala na tayo ng formal letter sa PRC last Friday, and they have acknowledged this,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Kabilang sa mga doktor na nagbigay ng sinasabing invalid prescription sina Dr. Allan Landrito, Dr. Iggy Agbayani, Dr. Raffy Castillo, at Dr. Sham Quinto.
Una nang umapela sa DOH ang naglunsad ng aktibidad na si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, na huwag parusahan ng ahensya ang mga doktor.
Sa halip, sila ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na lang daw ang habulin ng Health department.
Ayon naman kay Vergeire, susundin lang nila kung ano ang nakasaad sa batas kaugnay ng issue.
“We will according to the existing laws we have in the country, identified violations, and accountable person. Uphold namin yung nakalagay sa batas.”
Sa ilalim ng FDA Act of 2009, ipinagbabawal ang manufacturing, distribusyon, at pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot.
Wala pang rehistradong ivermectin sa Pilipinas bilang treatment sa mga pasyente ng COVID-19.
Ayon sa World Health Organization at European drugmaker na Merck, walang sapat na ebidensyang mabisa at ligtas laban sa coronavirus ang ivermectin.
-
17 VIETNAMESE NATIONAL, NASABAT SA AIRPORT
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Vitenamese national na pumasok sa bansa dahil sa panlilinlang sa tunay na dahilan ng kanilang biyahe. Sa report ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan, ang pitong Vietnamese national ay hinarang sa magkakahiwalay na okasyon sa NAIA Terminal 2 matapos lumipad mula […]
-
Ads March 11, 2021
-
Binash dahil nag-react din sa viral statement ni Ella: GISELLE, tinawag na ‘tanga’ ang mga nag-discredit sa People Power experience niya
NAG-REACT din pala ang host/actress na si Giselle Tongi sa viral and controversial statement ni Ella Cruz na “History is like tsismis”. Si Ella nga ang gumaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap para sa Viva Films na ipalalabas this month na kung saan tungkol ito sa last […]