• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH naalarma sa pagtaas ng childhood pregnancy

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa pagtaas ng bilang ng childhood pregnancy sa bansa.

 

 

Ayon kay Herbosa, nakapagtala ang bansa ng ‘very high incidence’ ng childhood pregnancy, o pagkabuntis ng mga batang wala pang 15-taong gulang.

 

 

Sa datos ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA) noong 2022, 59 kabataan na nasa 15-taong gulang pababa ang nabuntis, kada 100,000 populasyon.

 

Sa kasagsagan naman ng pandemic noong 2020, nasa 39.39 bata kada 100,000 populasyon ang nabuntis. Tumaas ito sa 44.06 noong 2021 at 59.34 noong 2022.

 

Sinabi ng kalihim na malaki ang kinakaharap na problema ng bansa sa teenage pregnancy.

 

Babala pa niya, isa ito sa nagko-contribute sa maternal mortality dahil karaniwan nang hindi sila nagpapa-prenatal.

 

High-risk din aniya ang mga kabataan na magka-eclampsia at hemorrhage sa kanilang panganganak.

 

Umaasa naman si Herbosa na makokontrol ito upang mabawasan ang maternal mortality.

Other News
  • Ads July 29, 2022

  • BEA, ‘di pa siniseryoso ang lovelife dahil ‘di pa mapatawad ang isang tao; kahit happy na kay DOMINIC

    MATAGAL na palang gustong ma-meet nang personal ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, si Ms. Jessica Soho ng Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA Network, dahil nanonood daw siya nito every Sunday.      Kaya naman right after makapirma ng contract niya si Bea sa Kapuso Network ay pumayag siya agad na ma-interview […]

  • Laput tipo ang Magnolia

    MAGKAKAROON kaagad ang Magnolia Hotshots ng malaki o sentro kung masusunod lamang ang hangarin ng one-and-done former player ng Marinerong Pilipino Skippers sa Philippine Basketball Association Developmental League (PBADL) na si  James Laput.     Binunyag ng 24 na taon, may taas na 6-10  na Filipino-Australian, na isa sa mga koponan na puntirya niyang malaruan […]