Laput tipo ang Magnolia
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON kaagad ang Magnolia Hotshots ng malaki o sentro kung masusunod lamang ang hangarin ng one-and-done former player ng Marinerong Pilipino Skippers sa Philippine Basketball Association Developmental League (PBADL) na si James Laput.
Binunyag ng 24 na taon, may taas na 6-10 na Filipino-Australian, na isa sa mga koponan na puntirya niyang malaruan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9 ang Pambansang Manok. Pero kailangang mapunta siya rito pagsapit ng Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.
“Magnolia is one of my preferred destinations, that is not a lie because they need a big man, they need a center,” litanya makalawa ng beterano rin ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20 sa paglalaro sa De La Salle University Green Archers.
“Props to Ian Sangalang and Rafi Reavis, those guys are amazing, but I feel like they are one of those teams who still needs a big man,” dagdag ng sinilang at lumaki sa Perth, Victoria at kumampanya rin sa United States National Collegiate Athletic Associatin (NCAA) Division 2 school.
Pinangwakas niyang, nais din niya sa isang team ang kakayahan ng isang sentrong kagaya niya kaya sumasagi rin sa kanyang kukote kung sumala ang Magnolia sa kanya, ang Alaska Milk Aces o Meralco Bolts. (REC)
-
Government streamlining bureaucracy, aayusin -PBBM
PAPEL ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang nakasanayang korapsyon. Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.” “So we know, we in the government know what is necessary. So let us take […]
-
2 tulak arestado sa higit P.4 milyon shabu sa Valenzuela
Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement […]
-
Pinas, pumangalawa sa Indonesia pagdating sa budget transparency sa Southeast Asia
NASUNGKIT ng Pilipinas ang ‘second highest score’ sa Southeast Asia para sa transparency ng budget documents sa 2021 Open Budget Survey. Mula sa kabuuang 120 bansa na kabilang sa survey, pumuwesto ang Pilipinas sa pang-19, na may iskor na 68. Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay ‘ranked second’ sa Indonesia. […]