• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, NAGLABAS NG CIRCULAR PARA SA HOLIDAY SEASON

NAGLABAS na ang Department of Health (DOH) ng Department Circular (DC) No. 2020-0355 o ang  Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation ngayong Holiday season.

 

Ito ay upang bigyang gabay  ang publiko kung paano panatilihin ang minimum public health standards sa panahon ng holidays at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat  isa  sa pagdalo ng selebrasyon o aktibidad.

 

Ayon sa DOH, ang holiday sa Pilipinas ay karaniwan na nagsasama-sama ang mga kaibigan,kamag-anak at mahal sa buhay kung saan dumadalo ng malalaking pagdiriwang at paglalakbay.

 

Ngunit ngayong taon,ayon sa DOH dahil sa Covid-19 pandemic,ang karaniwang aktibidad ay hindi na advisable dahil inilalagay nito ang publiko sa mas mataas na peligro na magkaroon ng virus.

 

Ang DC No.2020-0355 ay partikular na nagbibigay ng mga hakbang sa pagpapagaan ng peligro para sa publiko na sumunod sa panahon ng Kapaskuhan tulad ng:

  1. 1. Paglimita sa bilang ng tao sa social gatherings at aktibidad.
  2. Umiwas sa aktibidad na may kasamang pagbyahe (travel).
  3. Pumili ng aktibidad na mayroon lamang maikling  tagal lamang ng contact o pakikisalamuha.
  4. Pagsasanay sa BIDA (B-bawal walang mask, I-i-sanitize ang mga kamay, D-dumistansya ng isang metro, A-alamin ang totoong impormasyon).
  5. Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa Avoiding high-touch surfaces;
  6. Tiyakin na may tamang ventilation sa venue
  7. Pagdagdag ng  physical and mental resilience.

 

Sa isang media forum, pinaalalahanan  din ni Health Usec Maria Rosario Vergeire ang publiko  ang peligro ng paglantad sa sarili sa maraming  tao.

 

“Exploring congested areas, close-contact settings, and confined places are the three risk factors that pose a high risk of COVID-19 transmission. The threat of the virus is even higher when these factors overlap. Examples of the 3 risk factors include: attending large family, social, or religious gatherings, in-person shopping in malls and bazaars, and indoor gathering of a large group of people that involves singing, shouting and dancing,” sinabi ni Vergeire.

 

Bukod dito, hinikayat ni Vergeire ang publiko na isaalanag-alang ang pagbabago  ng kanilang mga aktibidad sa Pasko o paggamit sa mga virtual na aktibidad upang mnapoagaan ang pagkalat ng virus, particular sa mga saradong lugar o espasyo at may higit na bilang ng mga dumadalo mula sa inirerekomendang limitasyon. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Pagdating sa bansa ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan, V-day gift para sa mga Filipino- Sec. Roque

    ITINUTURING ng Malakanyang na Valentine’s gift sa mga mamamayang Filipino ang inaasahang pagdating ng bakuna laban sa Covid -19 sa bansa at pagsisimula na maiturok ito sa mga itinuturing na frontliners.   Kasama sa numero unong prayoridad ang mga nagtratrabaho sa mga pampubliko at pribadong health facilities, ospital, contact tracers ng mga local government units […]

  • Mapapanood na rin sa YouTube ang ‘My Plantito’: TikTok series nina KYCH at MICHAEL, mahigit 29.5 million views na

    HABANG lalong nakakamit ng My Plantito ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong boy-love, pamilyang Pilipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles.     Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito […]

  • PDu30, hindi ine-endorso si Robredo — Matibag

    WALA ni isa mang presidential candidate na ine-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang kanyang “successor.”     Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte sa nakalipas na linggo na nais niya na isang “compassionate, decisive, and a good judge of a person preferably a lawyer,” ang susunod na Pangulo ng bansa.     Sa 10 presidential […]