• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH nagpaliwanag sa pagpayag na optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor

DUMIPENSA ang Department of Health (DOH) sa pagpayag nila sa lifting ng mga pagsusuot ng face mask o magiging optional na lamang sa mga outdoors.

 

 

DOH Undersecretary at OIC Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang desisyon batay na rin sa pahayag ng World Health Organization na ang face mask mandates ay dapat nakapokus sa mga vulnerable sector.

 

 

Nangangahulugan umano ito na dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga senior citizens, mga may sakit at mga bata.

 

 

Nilinaw din ng DOH chief, sa transport sector din na hindi pa rin daw aalisin ang face mask at sa matataong lugar.

 

 

Aminado naman ito sa ngayon hindi pa rin daw masasabing nasa high population immunity na ang pilipinas at hindi pa rin natatapos ang pandemya dahil wala pa tayo sa tinatawag na state of pandemcity.

 

 

Kaugnay nito muling nanawagan ang DOH sa mga kababayan na hindi pa nagpa-booster shots na magpaturok na dahil marami sa mga naunang nagpa-vaccine ay humihina na ang depensa laban sa virus. (Daris Jose)

Other News
  • PULONG BALITAAN UKOL SA GAMBLING ADDICTION, SINIMULAN NGAYON SA QUEZON CITY

    SINIMULAN ngayon sa Quezon City ang kauna-unahang pulong balitaan para sa adiksyon sa pagsusugal. Layon ng kumperensya na suriin at talakayin ang epekto ng pagka-adik sa sugal lalo na sa mga pamilya ng mga biktima. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang game of chance o pagsusugal gaya ng […]

  • Teaser ng ‘Lolong’ na pinagbibidahan ni RURU, maraming napahanga dahil parang gawang Disney

    MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita noong Lunes sa 24 Oras!     Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na matatandaang kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga nakapanood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan […]

  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado

    LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.     Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.     Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee […]