• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’

NAGPASAKLOLO na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes.
“I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have access to vaping,” ayon kay Herbosa sa isang media forum.
Sinabi ni Herbosa na tinatayang 14% na ng mga gumagamit ng e-cigarette ay mga minors sa kabila ng nakasaad sa batas na 18-taong gulang pataas lamang ang maaring gumamit nito.
Kasunod ito ng pagbaba sa paggamit ng tabako o sigarilyo sa bansa dahil sa mas mataas na buwis na dahilan ng pagtataas sa presyo ng mga ito.
Ayon sa Global Adult Tobacco Survey, bumaba ang paggamit ng tabako o sigarilyo sa mga adult sa 19.5% noong 2021 mula sa 29.7% noong 2019.
Kasabay ng pagbaba sa paninigarilyo, tumaas naman ang antas ng gumagamit ng mga vape at e-cigarettes. Ngunit ayon sa DOH, parehong may masamang epekto sa kalusugan ang paggamit ng mga ito.
Other News
  • Olympic ring pansamantalang tinanggal sa Eiffel Tower

    PANSAMANTALANG tinanggal ng Paris ang Olympics logo na unang inilagay sa Eiffel Tower. Kasunod ito sa batikos na pagtalapastangan umano sa iconic landmark ng Paris na Eiffel tower. Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na magsasagawa na lamang ito ng bagong Olympic rings at ibabalik ito sa sikat na landmark. Inilagay nito ang nasabing Olylmpic […]

  • 5K-10K COVID-19 cases kada araw babala ng OCTA

    MULING nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring umakyat ng 5,000 hanggang 10,000 ang arawang kaso ng ­COVID-19 sa bansa dahil sa bagong Omicron ­variants.     Ginawa ng OCTA ang pagtataya base sa nakita nila na pagtaas ng kaso sa South Africa dulot ng BA.4 at BA.5 variants sa New Delhi sa India dulot […]

  • FIFA World Cup magsasagawa na ng halftime show

    Kinumpirma na ni FIFA president Gianni Infantino na magkakaroon na ng half-time show ang 2026 men’s World Cup. Ito ang unang pagkakataon na mayroong halftime show na ang magiging host ng World Cup ay ang US. Ang Canada, US at Mexico ang magiging host ng World Cup sa susunod na taon at ang finals ay […]