• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines

NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think they have already been redistributed to the different region(al offices) of the Department of Health,” ayon kay Health Secretary Ted Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

“It’s going to be (stored), parang may depots. Kasi may cold chain ang vaccine. So kailangan they’re kept at the right temperature,” ayon sa Kalihim.

 

 

Ani Herbosa, mayorya ng vaccine doses ay napunta sa National Capital Region (NCR) habang ang natitira naman ay napunta sa ibang rehiyon.

 

 

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap pa sila para makakuha pa ng mas maraming bivalent Covid-19 vaccines.

 

 

“So, what we will have to do is to prioritize who needs it first. So, number one, the elderly. Number two, iyong may comorbidity. Number three, iyong health care workers, kasi hindi ba inuna rin natin iyong healthcare workers. So nag-wane na siguro iyong immunity nila. We need to protect them also,” ayon kay Herbosa.

 

 

Winika nito na ang ilan sa mga usapin sa pagkuha ng mas maraming bivalent Covid-19 vaccines ay kinabibilangan ng registration ng  doses ng Philippine Food and Drug Administration.

 

 

“Meron lang snag and issues kasi nawala iyong public health emergency. So, the issue of the vaccine is in terms of the EUA (emergency use authorization). So, to procure it, kailangan ma-i-rehistro sa ating FDA. But we are trying hard to get all these bivalent (vaccines),” ayon kay Herbosa.

 

 

Ang Pilipinas aniya ay hindi lamang bansa na sumusubok na maghanap at makakuha ng bakuna.

 

 

Tinukoy nito na kailangan nilang simulan na bakunahan ang mga priority individuals ng  bivalent dose dahil mayroon lamang itong anim na buwan na shelf life “upon delivery.”

 

 

“Kasi kapag ang binili ko iyong nandoon na, makikita ninyo ini-isyuhan ninyo ako na nag-expire iyong bivalent vaccines kasi six months lang ang shelf life niyan, wala ng gamit. So kapag binili mo iyan out of the shelf, like this one, this donation, they end on November 23, that’s the expiry date. So, I need to start vaccinating people immediately,” ayon kay Herbosa.

 

 

Sa kabilang dako, muli namang nanawagan ang DoH sa publiko na magpabakuna at huwag maging kampante kahit pa idineklara ng  World Health Organization (WHO) na tapos na ang Covid-19 bilang public health emergency.

 

 

“But we will continue to push for people to get vaccinated because it will prevent you, especially if you are at high risk of mortality. Kasi ngayon ang usapan na hindi iyong numero ng nagka-Covid,” ayon sa Kalihim.

 

 

“Naalala ninyo nitong mga nakaraang linggo, tumataas iyong positivity rate, may nire-report kaming mga namatay. Even my hospital in PGH (Philippine General Hospital), kasi I was head of ER (emergency room), isa o dalawa lang ang na-o-ospital and sila iyong may comorbidity. And sometimes, kung may mamatay na isa o dalawa, it’s because of that comorbidity kasi mas malala ang condition niya,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Other News
  • Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials

    Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.     Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) […]

  • PNP nakataas ang alerto kasabay ng anibersaryo ng CPP-NPA

    ITINAAS ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang seguridad bilang paghahanda sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) rebels at Communist Party of the Philippines (CPP) kasabay ng kanilang founding anniversary ngayong Disyembre 26.       Ayon sa kay PNP public information officer Brig. Gen. Jean Fajardo , na ang mga commanders sa mga […]

  • DIREK EASY, umaming nagka-anxiety bago pinalabas ang ‘Ben X Jim’

    AMINADO si Direk Easy Ferrer na nagkaroon siya ng anxiety bago ang airing ng first season ng Ben X Jim.     Kasi naman ang daming successful na BL series na naipalabas at marami pa ang nakalinya na ipalabas.     Pero ayon sa kanya, nagpick-up naman sila after the episodes kaya he felt relieved dahil […]