DOH nakaalerto sa bird flu na naililipat sa tao
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kasama ang Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) sa bagong uri ng H5N8 avian flu na naiulat na naipapasa sa tao.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o pamamanhid ng kalamnan, gayundin ang pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka, sa ilang kaso.
Unang ipinaalam ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang transmisyon ng naturang strain sa tao.
Ito ay makaraan na natukoy sa pitong manggagawa sa isang poultry farm sa southern Russia ngunit wala naman silang naranasang anumang seryosong epekto sa kanilang kalusugan.
Dahil dito, maigting na binabantayan ng BOQ ang mga border ng bansa habang hinigpitan na rin ng DA ang surveillance sa mga manok na pumapasok sa bansa.
-
April 10, idineklarang regular holiday ni PBBM para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na regular holiday ang April 10, araw ng Miyerkules, sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr, o Feast of Ramadhan. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 514, idineklara ng Pangulo ang nasabing petsa na regular holiday “in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l […]
-
Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan
NIRATIPIKAHAN ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic. Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang […]
-
Quiambao sinandalan ng DLSU
TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament. Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo. […]