DOH nangangailangan ng P49-B para sa buwanang allowance ng mga health workers
- Published on September 30, 2021
- by @peoplesbalita
Umaapela ang Department of Health (DOH) sa Kongreso na mabigyan sila ng P49 billion budget para sa buwanang allowance ng lahat ng mga at-risk na health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa plenary debates hinggil sa proposed 2022 budget ng DOH, sinabi ni Cebu 5ht District Rep. Vince Frasco na ang pondong hinihingi ng DOH ay sapat para sa 526,727 health workers.
Sa ilalim ng proposed scheme ng DOH, ang mga high-risk health workers, o iyong mga may direct contact sa mga COVID-19 patients, ay makakatanggap ng P9,000 allowance.
Ang mga medium-risk workers ay makakatanggap ng P6,000, at P3,000 para naman sa mga low-risk workers.
Sinabi ni Frasco na sakop sa allowance na ito ang mga janitors sa mga ospital na exposed sa hospital wastes.
Sa ngayon, nasa 79,962 ang low-risk health workers, 47,173 ang medium-risk workers, at 399,592 naman ang high-risk.
-
PAG-ALIS NG MGA DAYUHAN SA BANSA, MAGPAPATULOY HANGGANG KATAPUSAN NG TAON
INAASAHAN na magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon 2020 ang pag-alis ng malaking bilang ng mga dayuhan sa bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na mula January hanggang September 2020, may 1.5 million na nga dayuhan ang dumating sa Pilipinas bago pa man ipatupad ang travel restrictions […]
-
Siya pa rin ang nag-iisang brand ambassador ng ‘Beautederm Home’… MARIAN, ayaw pag-usapan ang ‘dream house’ nila ni DINGDONG dahil isi-share din ‘pag tapos na
SI Marian Rivera-Dantes pa rin ang nag-iisa at official brand ambassador ng Beautéderm Home sa muling pagre-renew ng Kapuso Primetime Queen ng kanyang partnership sa Beautederm for another 30 months. Nagkaroon nga ng grand celebration of love and friendship sina Marian at Rhea Anicoche-Tan, ang President and CEO, na kung saan nag-marka na […]
-
Gilas Pilipinas tuloy ang paghahanda para sa FIBA World Cup
MAS pinaghandaan ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na pagsabak nila sa dalawang window ng FIBA. Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ilang linggo ang gagawin nilang ensayo para matiyak na mangibabaw ang national basketball team ng bansa. Pinag-aralan na rin aniya nila ang mga galaw ng mga makakaharap nila. […]