• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac, unang gagamitin ng Pinas sa vaccination program nito

KINUMPIRMA ng Malakanyang na ang bakunang gawa ng China na Sinovac ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito.

 

“Yes, I can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ito’y sa kabila ng may apat na dokumento pa ang hinihingi pa ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Sinovac kaya’t hindi pa makapag- isyu ng Emergency Use Authorization (EUA) ang FDA sa Sinovac.

 

Sinasabing  hindi na kakayanin pa ang pagdating sana ng Sinovac bukas, Pebrero 23 na una na nitong inanunsiyo na nakaukit na sa bato ang pagdating sa bansa.

 

Ayon kay Sec. Roque, naiintindihan nila ang FDA sa kalagayan nitong ang nais lang ay masiguro na ligtas at epektibo ang mga ido- donate na bakuna ng China.

 

 

Samantala ayon pa sa balita, “FDA grants emergency use authorization to China’s Sinovac for its Covid-19 vaccine CoronaVac. However, FDA Director General Eric Domingo says Sinovac vaccines not recommended to be used among  healthcare workers.

 

 

FDA says efficacy rate of Sinovac is 50.4 percent if givennto healthcare workers, based on studies in Brazil.

 

Sa kabilang dako sa tanong naman kung ano ang mangyayari sa mga bakunang Pfizer at AstraZeneca ay sinabi ni Sec.Roque na may natanggap na silang notice mula sa World Health Organization (WHO) na ang AstraZeneca ay darating sa bansa sa katapusan ng Pebrero.

 

Subalit may babala rin na maaari itong ma-delay dahil sa logistical challenges.

 

Para naman sa Pfizer ay sinabi ni Sec. Roque na wala pa aniya itong kasiguraduhan. (Daris Jose)

Other News
  • 2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2

    INIHAYAG  ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023.     Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]

  • NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

    Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.   Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan […]

  • PBBM, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang MMFF 2024

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sambayanang Filipino na tangkilikin ang mga ‘kwentong Pinoy’ bilang pagsuporta sa Metro Manila Film Festival 2024.       “Isama ang buong pamilya, buong barkada, at panoorin ang sampung pelikula na handog ng MMFF,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.     Ang panahon aniya ng Kapaskuhan ay […]