DOH: Pagluwag ng Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, ‘posible’
- Published on November 16, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi malayong mailagay sa pinakamaluwag na “alert level system” ang buong Kamaynilaan basta’t masustena nito ang mga tagumpay nito sa laban sa COVID-19 hanggang Disyembre, pagbabahagi ng Department of Health (DOH).
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, kaugnay ng patuloy na pag-igi ng COVID-19 situation sa National Capital Region.
“It is not impossible for the National Capital Region to be deescalated to Alert Level 1 by December,” ani Vergeire sa reporters sa isang media forum ngayong araw.
“Pero kailangan ma-sustain natin kung anumang gains ang meron tayo ngayon.”
Una nang sinabi ng DOH na pwede itong mangyari kung bababa pa ang arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa pagitan ng 1,000 hanggang 500.
Alert Level 1 ang pinakamaluwag na COVID-19 restriction na ipatutupad sa ilalim ng alert level systems na ipinatutupad ngayong pandemya.
Sa ilalim nito, lahat ng tao ay pwede nang pumunta sa lahat ng establisyamento. Papayagan na rin lahat ng mga aktibidad na pwede bago ang pandemya “at full capacity,” habang nagpapatupad ng minimum public health standards.
Gayunpaman, may ilang kailangan pang makamtan ang NCR bago ito maabot.
Low-risk classification: “Para ikaw maka-deescalate ka sa Alert Level 1. lahat ng areas kailangan ang iyong low-risk case classification ma-sustain mo for two incubation periods,” dagdag pa ni Vergeire.
Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (US CDC), aabot nang hanggang 14 araw ang incubation period ng COVID-19.
Dahil dito, sinabi ni Vergeire na kung ika-1 ng Nobyembre ka inilagay sa “low-risk” classification, kailangan itong ma-sustain hanggang katapusan ng Nobyembre.
Vaccination coverage: Maliban dito, kinakailangan din na 70% vaccination coverage sa mga senior citizens, 70% sa mga may comorbidities (may karamdaman) at hindi bababa sa 50% ng targeted eligible population ang bakunado laban sa COVID-19.
*Safety seals: Wika pa ng DOH official, kinukunsidera na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang “threshold” sa pagbibigay ng safety seals sa mga establisyamento.
“This is further [safeguard] for our public kapag tayo ay nag-deescalate to Alert Level 1. Ibig sabihin, aside from being vaccinated, sigurado rin, o mabibigyan ng safeguard ang ating public kasi ‘yung mapupuntahan nila ay makakasiguro tayo na meron silang compliance to safety protocols like ventilation at iba-iba hong minimum public health standards,” sabi pa ni Vergeire.
Pinag-uusapan pa at sa Huwebes mapagdedesisyunan ang pagdadagdag ng mga naturang safety seals bilang bagong requirement sa Alert Level 1 deescalation.
Nasaan na ngayon ang Metro Manila?
Kasalukuyang nasa “low-risk” classification ang Metro Manila at buong Pilipinas pagdating sa COVID-19 infection, ayon sa November 15 situationer na inilabas ng DOH.
Maaabot na rin halos ang mga rekisitos na sinabi ng DOH pagdating sa pag-deescalate ng isang lugar sa Alert Level 1, lalo na sa COVID-19 vaccination.
“Dito sa NCR, we have more than 70% of senior citizens vaccinated, their target eligible population more than 50% na rin bakunado,” sabi pa ni Vergeire.
“Ang medyo hinahabol lang ho nila ngayon ‘yung mga individuals with comorbidities na hindi pa nila naa-achieve na 70%.”
Sa huling taya ng DOH nitong Linggo, umabot na sa 2.81 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 45,581 katao.
-
Mga neophyte senators, hinimok ni Drilon na mag-aral at humingi ng payo sa mga eksperto
HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga bagong senador na dapat mag-aral ng mabuti at humingi ng payo sa mga eksperto. Aniya, ang pagkahalal ay hindi ginagawang senador. Dapat aniyang makuha ang respeto ng iyong mga kasamahan una, ang publiko pangalawa. Kaya naman, walang masama sa pag-aaral […]
-
Suspek sa textbook procurement, arestado ng NBI
ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa P24 milyong textbook procurement anomaly noong 1998 na una nang itinuturing na patay. Si Mary Ann Maslog ay inaresto noong September 25 matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa isang Jessica Francisco . Sa imbestigasyon nadiskubre ng awtoridad na si Maslog […]
-
3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan
Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon. Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon. Ang nasabing tatlong stations ay […]