DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.
Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang kaanak na namatay nang hindi pa sumasailalim sa COVID-19 test.
”Most of the time the patient will come in the facility nang medyo malubha na ang kanilang sakit. Hindi sila nakakarating sa facility ng mas maaga, para magamot ng mas maaga.”
“Testing post-mortem hindi namin ina-advice kasi wala pa tayong sapat na ebidensya that even in cadavers na mataas pa rin ang load ng virus.”
Paliwanag ng opisyal, wala pang ebidensya na mataas pa rin ang “viral load” kahit sa mga namatay nang confirmed case. Kailangan daw kasi ng virus ng “host” o aktibong katawan para kumalat at makapanghawa.
Ayon kay Vergeire, protocol ng mga doktor ngayon na ituring bilang confirmed case ang mga darating na indibidwal sa ospital na may sintomas ng pandemic virus.
Pati sa mga mamamatay na pasyente nang hindi pa nate-test pero nakitaan ng sintomas, ay maaari na rin daw ituring na positibo sa COVID-19.
“Hindi natin dine-delay ang panggagamot kung sakaling wala pang test.. ang ating protocol kasi, kapag ang ating mga doktor ay na-assess nila na ang isang tao ay may COVID-related symptoms maaari silang makonsidera na suspect or probable kahit wala pang test.”
“Kung siya ay namatay because he/she is a suspect based on clinical assessment, kailangan kung paano tratuhin ang bangkay ng isang confirmed case pareho rin sa suspect/probable.”
Dagdag ng opisyal, tulad ng sa confirmed cases, inirerekomenda rin ang agarang cremation sa mga probable at suspect cases na babawian ng buhay.
-
Consistent top-rating show, kaya extended sa third season: DINGDONG, ibinuking si MARIAN na dalawang linggo bago naka-move on sa sinagot sa ‘Family Feud’
AMINADONG fan ng sikat na social media influencer na si Zeinab Harake ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kinikilig talaga ito kay Marian. Aniya, “Meron akong crush sa Beautéderm family. Totoo po, kung ano man ang arte ko ngayon, feeling ko, dito ko masasabi, ‘Ate Yan! Si Ate Yan talaga, Marian […]
-
Feeling blessed sa magkasunod na serye: GABBI, kasama sa pagbabalik-tambalan nina RICHARD at JODI
FEELING very blessed si Global Endorser Gabbi Garcia dahil after niyang gawin ang mystical primetime mega-serye na “Mga Lihim ni Urduja,” may kasunod agad siyang bagong project. Makakasama ni Gabbi ang mga kapwa Encantadia stars niya na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez, kasama rin nila sa cast sina Jeric Gonzlaes, Kristoffer Martin, […]
-
Pagbabawas sa bilang PNP generals, irerekomenda ng DILG
IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police generals mula sa mahigit na 130 ay maging 25 na lamang. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato […]