• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: PH gov’t maglalabas ng ‘ventilation guidelines’ sa pagbubukas ng mga sinehan

Nakatakdang maglabas ng bagong guidelines ang pamahalaan para maging gabay ng mga pinahuntulutang nang sinehan na mag-operate sa gitna ng pandemya.

 

 

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng ilang establisyemento tulad ng mga sinehan.

 

 

“One of the safeguards was the guidelines upcoming which will be coming from the Department of Labor and Employment, wherein they have consulted with an epidemiologist,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“So that they can provide this ventilation requirements specifically in enclosed spaces.”

 

 

Paliwanag ni Vergeire, walang pagbabago sa guidelines na una nang inilabas ng DOH. Nilalaman nito ang paalala sa minimum public health standards.

 

 

Tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at distansya ng isang metro o higit pa.

 

 

“Yun pa rin naman ang ating kailangan ipatupad, although kapag inilabas na yung sa DOLE baka magkaroon tayo ng additional supplementary guidelines for us to better explain.”

 

 

Nitong araw sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iniurong na sa March 1 ang reopening ng mga sinehan.

 

 

Pero nilinaw nitong naka-depende pa rin sa approval ng local government units ang pagbubukas ng naturang establisyemento.

 

 

“Ang pagpapatupad po ng pagbubukas ng sinehan, kung matutuloy po, ay Marso 1,” ani Roque.

Other News
  • Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco

    PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.   Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]

  • Ni-launch na ang swimwear line: JULIA, perfect model at suportado ni GERALD

    NI-LAUNCH na ni Julia Barretto ang sariling swimwear line na The Juju Club.   Perfect timing daw ang paglabas sa publiko ng kanyang sariling swimwear brand dahil summer na at maraming nasa beach ngayon.   Sino pa nga ba ang perfect model ng kanyang swimwear kundi siya mismo. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang […]

  • ‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang

    Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.   “Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman […]