• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Publiko gustong mauna sa bakuna ang government officials

Nais umano ng taumbayan na makita na maunang magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan bago sila sumailalim sa ‘vaccination’, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ni Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, ito ang resulta ng isinagawa nilang “focus group discussions (FGD)” kung saan tinitignan ng publiko ang mga opisyal ng gobyerno bilang kanilang mga “main influencers”.

 

 

“The FGD just showed na ito ‘yung gusto nilang makita na, ‘Ah, actually even leaders pala gagawin. Mauna kayo bago kami.’ That’s actually the narrative we see in social media so that’s also what we’ve gotten from the FGDs,” ayon kay Ho.

 

 

Kapareho ito ng isang pag-aaral sa childhood vaccination noong 2019 na nakitang ang mga health workers naman ang malaking impluwensya ng tao para magpabakuna ang kanilang mga anak.

 

 

Sa kabila nito, hindi naman kailangang agad isalang sa pagpapabakuna ang mga opisyal dahil kailangan talagang mauna ang mga healthcare workers na nasa “priority list”.

 

 

Pero nitong Lunes, ilang opisyal ng pamahalaan kabilang sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at testing czar Secretary Vince Dizon ang nagpabakuna na gamit ang Sinovac vaccine.

Other News
  • Michele, kinumpara kay Pia na tatlong beses natalo pero nanahimik lang

    SIMULA na ng mga sleepless night ng actress na si Ryza Cenon dahil sa kanyang bagong silang na anak, ang kanyang panganay na anak at baby boy na si “Night.”   Ipinanganak nga ni Ryza ang baby nila ng kanyang live-in partner na si Miguel Cruz noong madaling-araw ng October 31 at 13 oras siyang […]

  • Isa sa mga Aklanon Warriors, nasungkit ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament sa Uzbekistan

    NASUNGKIT ng isa sa mga Aklanon warriors ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament na ginanap sa Bukhara, Samarakand, Uzbekistan na nagtapos araw ng Miyerkules, Oktobre 16, 2024.     Napasakamay ni Shara Julia David Jizmundo ang nasabing medalya sa final sa Solo Tungal Artistic kung saan, tinalo nito ang […]

  • Dahil sa suporta sa mga charitable initiatives: JOSE MARI, taos-pusong pinasasalamatan ng FFCCCII

    ANG Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa kilalang mang-aawit-songwriter at respetadong negosyanteng si Jose Mari L. Chan para sa kanyang walang patid na suporta sa iba’t ibang socio-civic charitable endeavors.       Si Dr. Cecilio K. Pedro, Presidente ng FFCCCII, ay pinuri ang […]