• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Michele, kinumpara kay Pia na tatlong beses natalo pero nanahimik lang

SIMULA na ng mga sleepless night ng actress na si Ryza Cenon dahil sa kanyang bagong silang na anak, ang kanyang panganay na anak at baby boy na si “Night.”

 

Ipinanganak nga ni Ryza ang baby nila ng kanyang live-in partner na si Miguel Cruz noong madaling-araw ng October 31 at 13 oras siyang nag-labor.

 

Kahit sobrang hirap at sakit daw, kinaya ni Ryza na mailuwal ang anak sa pamamagitan ng normal delivery. At noong Monday nga ay nakauwi na silang mag- ina sa kanilang bahay.

 

Nakausap namin si Ryza at understandable naman ang pagod na nararamdaman nito sa panganganak. Labing-tatlong oras ka ba naman na mag-labor. Pero sey niya, worth it naman daw lahat. Napawi raw ang naramdaman niyang sakit at pagod sa unang pagkakita pa lang sa baby niya. Naiyak daw siya sa kaligayahan.

 

“Night” ang pinangalan nila o palayaw ng baby dahil pareho raw sila ni Miguel na pinaka-favorite time of the day ang gabi. At mukhang katulad nila, ang baby niya ay mukhang paborito rin ang night time dahil gising daw ito sa gabi kaya ayon dito, wala pa talaga siyang tulog.

 

Medyo hirap pang maglabas ng breastmilk si Ryza, pero to the rescue ang kaibigan niyang si Chariz Solomon na nanganak din kamakailan lang at nag-share ito ng breastmilk sa kanya.

 

*****

 

BINASAG na ni Michele Gumabao, ang Miss Quezon City at 2nd runner-up sa nakaraang Miss Universe-Philippines ang kanyang pananahimik. Pero, yun lang, tingin namin ay wala pa rin naman itong ni-reveal.

 

Sa pamamagitan ng kanyang vlog, emosyunal nitong nilahad ang kanyang statement na, “I heard things that I wasn’t supposed to hear.”

 

Ang dahilan kung bakit wala siya sa photo-op at kung bakit pinili niya raw na mauna nang bumalik ng Manila from Baguio.

 

Pero siyempre, sa kabila ng pagsasalitang ito ni Michele, tinitingnan pa rin siya ng netizens bilang sore losers.

 

Bukod dito, ilang netizens din ang nag-comment na tumigil na raw sana si Michele, puro drama raw.

 

Komento pa ng netizen, “Napaka- entitled nya pramis at notice how she never mentioned Rabiya’s name, she referred to Rabiya as “the winner”

 

Payo naman ng isang netizen, “You have choices, lahat ng candidates di naman siguro pinwersa. At kapag sumali ka kailangan dedicated ka win or lose. At sana sinabi mo yung ano yung di mo dapat marinig baka sakaling mas maintindihan ka talaga. These statements parang nagpapatibay lang kung bakit di ikaw.”

 

Kinumpara rin si Michele ng ibang netizens kay Pia Wurtzbach na tatlong beses natalo bago nasungkit ang Miss Universe crown mismo, pero wala raw mga ganyang drama gaya ni Michele at Sandra Lemonon.

 

*****

 

PAGKATAPOS ng walong araw na recap ng Descendants of the Sun, simula sa November 5, mga fresh episodes na ang mapapanood sa award-winning GMA Telebabad serye.

 

Ayon nga sa director ng DOTS Ph na si Direk Dominic Zapata, “Viewers should expect the same quality from DOTS Ph because that’s what they deserve. If anything, there will be even bigger, more mind-blowing revelations as our protagonists’ world become smaller and more complicated. The show won big in the Seoul International Drama Awards and it promises to live up to that.”

 

Ang mga fresh episodes na mapapanood ng mga Kapuso simula sa November 5 ay ang tinaped na nila na sa pamamagitan ng lock-in taping.

 

Ang DOTS Ph ay pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith. (ROSE GARCIA)

Other News
  • QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN

    NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City.   Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19  ay doon na magpagaling.   Nitong nagdaang […]

  • Nabalewala ang re-appointment ni PRRD kay Liza: TIRSO, napili ni PBBM na maging bagong chairman ng FDCP

    NAGING usap-usapan sa apat ng sulok ng showbiz noong Lunes, July 4, 2022, na may bagong i-apppoint si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).     Marami rin ang nakapansin ng post ni Direk Joey Reyes sa […]

  • Metro Manila mayors, oks na bawiin na ang face shield policy – MMDA

    NAGKAISA ang mga Local chief executives sa National Capital Region (NCR) na bawiin na ang sapilitang paggamit ng face shields, maliban sa itinuturing na critical areas.   “Napagkasunduan namin itong initial position ng Metro Manila mayors to do away with face shields,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos.   “Wala na […]