Aplikante sa 1st WNBL Rookie Draft 2020-21 tinatanggap na
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
PUWEDE nang magsumite ng aplikasyon ang mga babaeng baller ng bansa para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2020 na idaraos sa darating na Oktubre.
Maaring mag-download ng application form sa NBL-Pilipinas Facebook page na facebook.com/nblphil.
Lahat ng players na nagnanais makapaglaro sa liga’y dapat na makapagsumite ng fill-out forms at magsama 2×2 photo sa pilipinasnbl@gmail.com.
Bukas ang draft sa lahat ng mga player na mayroong mga na edad 21 hanggang 40 anyos.
Gaganapin na muna ang draft combine bago ang draft ng unang women’s pro hoops sa bansa, na binasbasan na rin ng Games and Amusements Board (GAB) kagaya ng kapatid ditong propeyonal na ring National Basketball League (NBL).
Inihahanda na ng WNBL ang pagsasagawa ng unang season bilang professional league kahit na nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang mundo upang mabigyan ng hanap buhay ang mga basketbolera pagkatapos ng kolehiyo.
Tinapik ang dating national team member na si Maria Beatrice ‘Bea’ Daez-Fabros na naglaro dati sa University of the Philippine Lady Maroons sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang ambassador ng WNBL.
Tinatawanan ko rin ang mga manlalaro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA), at iba pa, ano pang hinihintay ninyo?
-
Pangulong Duterte, kinilala ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor day message
KINILALA at pinapurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng manggagawa sa kanyang huling Labor day message bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30. Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ng Pangulong Duterte na patulong pa ring kinahaharap ng mga manggagawa. Ayon pa sa presidente, kahit patapos […]
-
Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor
TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea. Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.” Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa […]
-
Bise-Alkalde ng Maynila at 21 Konsehal, sinampahan ng kaso sa RTC hinggil sa “secret session”
NAHAHARAP sa kaso sa Regional Trial Court (RTC) ang nasa labimpitong konsehal na miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila laban sa kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer John Marvin “Yul” Servo-Nieto kasama ang nagsisilbing Majority at Minority floor leader gayundin ang iba pang mga kasapi nilang konsehal tungkol sa naganap na […]