• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH sa publiko: Banta ng COVID- 19, ‘di pa humuhupa

PINALAGAN ni Department of Health (DOH) Secretray Francisco Duque ang ulat na unti-unti nang humuhupa ang banta ng COVID-19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo.

 

Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec Duque, hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat.

 

Kasama sa mga tinukoy ni Duque na dapat pang tingnan ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso nito.

 

Maging ang pagpasok ng panahon ng tag-init sa Marso ay hindi rin tiyak kung ano ang magiging epekto sa transmission o pagkalat ng nasabing virus.

 

Dahil naman sa nagkaroon na ng local transmission ng COVID-19 sa ibang bansa, ito ang pinaghahandaan ng pamahalaan upang matugunan sakaling magkaroon ng katulad na pangyayari sa bansa.

 

Kasabay nito, hinikayat naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na samahan siya sa pagbiyahe sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, Ito ay sa kabila ng banta ng coronavirus o COVID-19.

 

Sa kanyang pahayag, tiniyak ni Pangulong Duterte na ligtas ang bansa mula sa mga banta ng sakit, law and order at kahit sa isyu ng accessibility.

 

Binigyan diin ng Pangulo na maraming magagandang mapupuntahan dito sa Pilipinas at walang dapat alalahanin ang mga biyahero.

 

Nangako na rin umano ang hotel owners at airline companies na magbibigay ng discount sa mga local tourist.
Kaugnay nito, iginiit ng Office of the President (OP) na nananatiling coronavirus-free ang Pilipinas.

 

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag sa gitna ng nabibigyang highlight na mga ulat hinggil sa umano’y mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bagama’t may tatlong una nang naiulat na tinamaan ng nasabing sakit, ito aniya’y hindi na maaaring maibilang pa sa existing list ng mga kinapitan ng COVID 19.
Isa aniya kasi sa tatlong naitalang kaso ay namatay na habang ang dalawa ay nagawa namang makarekober at sa katunayan ay nakalabas na ng pagamutan.

 

Sa harap nito’y tiniyak ni Panelo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang hindi na kumalat pa ang kinatatakutang karamdaman.

 

Sa huling ulat mula sa Department of Health (DOH), sa 455 na PUIs, 386 na ang nag-negatibo sa sakit. Kasama umano sa naturang bilang ang 259 na nakalabas na ng ospital.

 

Gayunman, ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, kahit 82 percent na ng mga PUI ang negatibo sa virus ay kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat laban sa naturang sakit. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • BOY, binigyang-linaw sa kanyang YouTube channel ang kumalat na ‘fake news’ na pumanaw na

    SA pamamagitan ng kanyang YouTube channel, binigyang-linaw ni Boy Abunda na obviously, hoax o fake news ang kumalat na siya ay pumanaw na.     Nagulat daw ito nang ang daming nagtatawagan sa kanya. Maging ang longtime partner na si Bong Quintana, kahit nasa iisang bahay sila. Nasa itaas ito at nasa ibaba naman si […]

  • Pribadong sasakyan kailangan pa rin na magsumite ng certificate mula sa emission centers

    KAILANGAN pa ring magsumite ng mga private vehicles ng certificate mula sa emission centers o Private Motor Vehicle Inspection para irehistro ang kanilang sasakyan.   Ang paglilinaw ay inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo oa Duterte na huwag gawing mandatory ang MVIS na ang ibig sabihin aniya ay kinakailangan […]

  • PARK SHIN-HYE IS SET TO HEADLINE A MYSTERY THRILLER TITLED “THE CALL”

    NETFLIX unveiled the trailer for the upcoming film The Call, and it’s enough to keep fans on the edge of their seat.   Starring Park Shin Hye, one of OG K-drama leading ladies, famous for her roles in K-drama shows such as “Stairway to Heaven” (2003), “The Heirs” (2013) and “The Doctors” (2016).   This […]