• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbyahe ng bakuna

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbiyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayroon na kasing mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.

 

Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.

 

Bukod dito ay nagsagawa na rin aniya ng simulation o exercises sng mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.

 

Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Daris Jose)

Other News
  • “Mixing and matching” ng bakuna laban sa Covid-19, pinag-aaralan pa- Malakanyang

    HANGGANG sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa covid 19 para sa kanyng 1st dose at 2nd dose.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito.   “Specifically, dahil ang […]

  • Natanggap ang mensahe habang nagso-shooting sa Canada: GLAIZA, wagi pa ring Best Actress sa Facine Film Festival sa ‘Liway’

    NO problem naman pala kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung may eksena siyang makulong sa isang closed area, dahil wala naman siyang phobia sa ganoon.     Pero this time, na-challenge si Alden na gawin ang ganoong eksena sa ‘Start-Up PH,’ na nakulong sila sa elevator ni Bea Alonzo na gumaganap na Dani.   […]

  • BBM, 58% UNBEATABLE SA ABRIL 22-25 FINAL SURVEY NG OCTA RESEARCH; NAPANATILI ANG 33% LAMANG SA KALABAN

    TATLONG araw bago ang halalan sa Mayo 9, lalong nasigurado ang panalo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos itong magtala ng 58 porsyentong voter preference sa pinal na survey ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 22-25.     Si Marcos na number 7 sa opisyal na balota ng Comelec, ay tumaas pa […]