• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ buo ang tiwala sa NBI kaugnay inihaing laban kay Teves

BUO  ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr.

 

 

Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag-aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw masisiguro niyang alam ng kawanihan ang kanilang ginagawang proseso.

 

 

Matapos ang paghain ng reklamo kahapon, dagdag pa ni Remulla na susunod na ang subpoena, at sa pag hain raw ng counter affidavit ng kampo ni Teves ay kinakailangan itong personal na magpakita upang manumpa kaugnay ng laman ng kanyang affidavit.

 

 

Hindi umano papayagan ang online na paghain nito kaya naman nakikita ni Remulla na uuwi si Teves sa bansa sakaling umabot na sa punong ito.

 

 

Samantala, ang ilang pang sangkot sa pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba, ay wala pang inihaing reklamo dahil sa ngayon ay on-going parin ang imbestigasyon.

 

 

Sakali umanong hindi umuwi si Teves, ay ihahain ang kaso sa korte at ang kasunod nito ay ang warrant of arrest. (Daris Jose)

Other News
  • 2 kelot na umiwas sa multa, kulong sa droga sa Caloocan

    NABISTO ang dalang mahigit P50K halaga ng shabu ng dalawang lalaki nang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanila dahil sa paglaba sa ordinansa sa Caloocan City.       Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-2) sa 2nd Aveune, Brgy. 120 nang makita nila ang dalawang lalaki na […]

  • 11 sabungero timbog sa tupada sa Navotas, Valenzuela

    UMABOT sa labing-isang indibidwal ang nadakma ng mga awtoridad isinagawang anti-illegal gambling operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang District Special Operation Unit ng Nothern Police District (DSUO-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal […]

  • SANYA, marami nang nagkaka-interes na kuning endorser dahil sa tagumpay ng teleserye

    PATULOY ang pagtaas ng rating ng new action-drama fantasy series na Agimat ng Agila, sa muling pagbabalik-acting ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa TV.      Sa first two episodes ipinakita muna ang pagkakaroon ng masayang pamilya ni Gabriel, ang pagliligtas niya sa enchanted eagle, who in turn ay siyang tumulong sa kanyang makaligtas sa […]