SANYA, marami nang nagkaka-interes na kuning endorser dahil sa tagumpay ng teleserye
- Published on May 15, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagtaas ng rating ng new action-drama fantasy series na Agimat ng Agila, sa muling pagbabalik-acting ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa TV.
Sa first two episodes ipinakita muna ang pagkakaroon ng masayang pamilya ni Gabriel, ang pagliligtas niya sa enchanted eagle, who in turn ay siyang tumulong sa kanyang makaligtas sa nasusunog niyang bahay.
Sa pamamagitan ng kanyang kakaibang pagtawag, nalaman ni Nanay Berta (Elizabeth Oropesa) kung nasaan si Gabriel at sa tulong ng agilang si Mulong, inalagaan nila ito.
Simula ngayong Saturday, ipapamalas na ni Gabriel ang mga katangian ng agila na napasakanya. Anu-ano kaya ang mga katangian ni Mulong na isa-isa nang gagawin ni Gabriel.
At labis-labis ang pasasalamat ni Bong sa mga netizens na tumututok tuwing Sabado sa Agimat ng Agila dahil kung noong pilot episode ay nakakuha ito ng mataas na rating na 16.3 percent, noong May 8 naman ay nakakuha sila ng 16.7 percent.
Ang Agimat ng Agila ay sa direksyon ni Rico Gutierrez at napapanood pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7
***
THIS Saturday ay mapapanood na rin ang character ni Sanya Lopez as Maya sa Agimat ng Agila at tiyak na ikatutuwa ito ng mga fans niya, na from Monday to Saturday ay mapapanood na siya sa dalawang magkaibang character.
Si Sanya ang leading lady ni Kapuso actor na si Gabby Concepcion sa romantic-comedy series na First Yaya.
Kung sa First Yaya ay sweet at mabait si Yaya Melody, sa Agimat ng Agila ay masungit at hirap magtiwala sa kapwa niya si Maya Lagman, anak-anakan ni Nanay Berta, na duda sa pagkatao ni Gabriel nang dalhin na siya ni Nanay Berta sa kanilang bahay.
Tutulungan kaya ni Maya si Gabriel sa layunin nito?
At higit sigurong ikatutuwa ni Sanya na dahil sa kanyang dalawang serye sa GMA-7 ay marami na raw interesadong kuning isang endorser ang actress ng kani-kanilang mga produkto.
Gustung-gusto raw kasi nila si Sanya sa character niya bilang si Yaya Melody na walang kaere-ere ang dating at sa halip ay parang tunay na ina ng mga alaga niyang tatlong anak ni President Glenn Acosta or PGA (Gabby).
Kaya ang hinihintay naman ng mga netizens ay kung paano tatanggapin ng mga bata na may relasyon na ang kanilang ama at ang kanilang yaya.
Napapanood naman ang First Yaya Monday to Friday, pagkatapos ng 24 Oras.
***
MUKHANG tanggap ng mga fans ni Julie Anne San Jose ang new ka-love team ng singer-actress na si David Licauco sa Heartfelt Cafe.
Inamin naman ni David na matagal na siyang interesadong makatrabaho si Julie Anne, kaya naman nang magkaroon ng audition para sa role ni Ace Espinoza, at inimbita siyang mag-audition, sumali siya at napili ni direk Mark Sicat dela Cruz na makatambal ni Julie Anne.
“Kaya sa tulong nina direk Mark at ng acting coaches namin nina Julie, we enjoyed every scene dahil parang hindi kami nagtatrabaho kasi game lahat ng mga kasama namin sa romantic-comedy series,” sabi ni David.
“Kaya ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami sa gabi-gabi ninyong pagtutok sa ‘Heartful Cafe’.”
Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya.
(NORA V. CALDERON)
-
Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA
TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito. “All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr. sa pinatawag na Zoom press conference […]
-
Medvedev naungusan si Federer sa ATP ranking
NAUNGUSAN na ni Daniil Medvedev si tennis star Roger Federer sa world ranking ng inilabas ng Association of Tennis Professionals (ATP). Sa pinakahuling ranking ay nasa pang-apat na puwesto na ngayon ang Russian tennis star habang nasa pang-limang puwesto ang Swiss tennis star na si Federer. Isang naging susi para umangat ang puwesto […]
-
Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’
BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias. Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito. “Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, […]