• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE, mag-aalok ng 10-day cash-for work para sa mga indibidwal apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

MAG-AALOK ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan.

 

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 o Calabarzon ay P400.

 

 

Base sa ulat mula kay DILG Secretary Eduardo Ano nasa 1,006 pamilya o 3,649 indibidwal ang mga apektado sa pag-aalburuto ng Taal Volcano kayat ang agarang tugon dito ng kagawaran ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga apektadong residente sa loob ng sampung araw.

 

 

Mayroon din aniyang inihandang P50 hanggang P100 million pondo ang ahensiya para sa mga Taal victims partikular na sa munisipalidad ng Agoncillo, laurel, San luis, Taal, calaca, Calatagan at sa lemery, Batangas.

 

 

Maliban pa sa temporary 10 day work, ayon kay Bello nakahanda ang DOLE na mabigyan ng pangmatagalang livelihood assistance ang lahat ng apektadong indibidwal.

Other News
  • Presyo ng petrolyo muling sumirit

    MATAPOS  ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa na­reresolbang banggaan  sa pagitan ng  Russia at Ukraine.     Sa magkakahiwalay na advisories, tataas ng P8.65 ang pump prices sa kada litro ng diesel at P3.40 sa kada litro ng […]

  • Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari

    TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.     Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.     Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.     Hindi […]

  • 18-anyos pababa bawal pa rin lumabas – MMDA

    Nilinaw kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga kabataang may edad 18- anyos pababa na gumala sa mga lansangan sa kabila ng pinaluwag na restrictions sa National Capital Region (NCR).     Kasunod ito ng pag­dagsa ng pami-pamilya sa mga pook pasyalan para mag-celebrate ng Father’s Day kahapon kasama ang […]