DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na badyet o humingi ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management.
Ang DOLE ay nauna nang namahagi ng tulong pinansyal sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya
Ipatutupad ang pinahigpit na restrictions simula August 6 hanggang 20 kung saan maraming mga manggagawa ang maaring hindi makapasok sa trabaho.
Ang National Capital Region ay isasailalim kasi sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo .
Layon ng ECQ na mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na pinalalala ng Delta variant. GENE ADSUARA
-
Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan
APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan ang taripa sa electric vehicles (EVs) para mapasigla ang demand sa gitna ng mataas na presyo ng langis. Ito ang naging desisyon ng National Economic Development Authority (Neda) board, kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman. Sinabi ni Economic Planning Secretary […]
-
Ads January 4, 2023
-
Thank you for the opportunity to save lives-VP-elect Sara Duterte
INIALAY ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na Eleksyon 2022 sa mga biktima ng “terrorism, abuse, criminality, and bullying.” “The opportunity to serve as vice president, I dedicate to Kean Gabriel, to Larry, to Jaren and Frederick and all those who passed because of terrorism, abuse, criminality, and […]