• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE TUTULUNGAN ANG MGA TINANGGAL NA EMPLEYADO NG ISANG MOBILE PHONE COMPANY

NANGAKO  ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sisiyasatin ang mga alegasyon ng pagtanggal ng isang kumpanya ng mobile phone sa mga empleyado nito dahil sa pagbuo ng unyon.

 

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello aalamin nito kung may katotohanan ang reklamo ng mahigit 200 kawani ng Vivo Tech, Inc. na nag-rally sa harap ng tanggapan ng DOLE nitong Lunes .

 

 

Ginawa ang pagkilos ng mga natanggal sa trabaho na mga empleyado ng nasabing kumpanya upang kunin ang atensyon ng DOLE at sila ay matulungang makabalik sa trabaho para sa kanilang pamilya

 

 

Ayon sa mga manggagawa na naprotesta, kabuuang 689 na regular employee ang inalis sa trabaho ng walang basehan.

 

 

“The company’s alibi is that we were retrenched due to business losses but that’s untrue,”

 

 

“How can that be when each of us were selling 50 units of cellphones equivalent to P300,000 per month? They’re earning. Our termination from work has no legal cause,” sigaw ng mga nagprotesta.

 

 

Ayon sa DOLE, napag-alaman na bumuo ng unyon at nagkaroon ng collective bargaining agreement (CBA) sa management ng kumpanya.

 

 

Gayunman nabigo ang  kumpanya na sundin ang obligasyon  nito sa mga manggagawa .

 

 

Sinabi rin ng mga manggagawa na sa halip na iresolba ang usapin ay tinanggal sila bago nagsagawa ng mass hiring sa pamamagitan ng manpower agency.

 

 

“That’s a very sad story during the pandemic. But we need to get all the information about this so we can act on it accordingly,” pahayag ni Bello na kasalukuyan pa ring naka-quarantine sa kanyang hometown sa Isabela.

 

 

Hinikayat naman ng kalihim ang mga natanggal na manggagawa na pormal na maghain ng kanilang reklamo sa DOLE  upang maisagawa ang tamang pagsisiyasat sa kanilang reklamo.

 

 

“Before anything, I call on the dismissed workers to formally file a complaint at DOLE so we can fully execute our job on the matter,” wika ng kalihim.

 

 

” The company with will be dealt with accordingly if it turns out to be a union buster.” GENE ADSUARA

Other News
  • PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.     Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]

  • Ads April 6, 2022

  • DepEd, planong ipapatupad ang K-10 curriculum sa 2024

    TARGET  ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.     Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa na ang ahensya ay nagtitipon ng feedback ng publiko sa draft ng K to 10 curriculum.     Aniya, nais ng nasabing departamento […]