• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dominanteng COVID-19 variant na sa mundo ang ‘Stealth Omicron’

DOMINANTENG  variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang ‘stealth Omicron’ o ang BA.2, na nagbabanta ngayon na naging dahilan ng panibagong ‘surge’ sa mga bansa sa kanluran kabilang ang Estados Unidos.

 

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), nirerepresenta ngayon ng BA.2 ang 86% ng lahat ng kasong isinailalim sa ‘genome sequencing’ sa mundo. Mas nakahahawa pa ito kaysa sa ibang variant ng Omicron na BA.1 at BA.1.1, ngunit hindi naman umano nagdudulot ng malubhang pagkakasakit base sa mga nakalap na ebidensya.

 

 

Mas hindi rin epektibo ang mga bakuna laban sa BA.2 hindi tulad ng orihinal na variant na Alpha. Bumabalik naman umano ang proteksyon sa booster jab, na lalong makakapagpa-iwas sa pagkakaospital at pagkasawi.

 

 

Muling isinisisi ang pagtaas ng BA.2 variant sa pagsirit ng kaso nito sa China partikular sa Hong Kong na umabot na sa mga bansa sa Europa tulad ng Germany at United Kingdom.

 

 

Sa datos ng UK at Denmark, maaring maimpeksyon muli ng BA.2 ang mga taong una nang tinamaan ng ibang variant tulad ng Delta. Ngunit maliit na ebidensya naman ang nakalap sa muling pagkaka-impeksyon ng BA.2 sa mga taong unang tinamaan ng BA.1 variant.

 

 

Ayon sa mga siyentipiko, ang pananalasa ng BA.2 sa ilang mga bansa ay kasabay ng hindi na pagsusuot ng facemask ng publiko habang marami pa rin ang hindi nagpapabakuna o kulang sa dose ng bakuna. (Daris Jose)

Other News
  • After na gumanap sa iba’t-ibang supporting roles: JOSEF, nag-enjoy dahil na-challenge sa daring scenes at type makatrabaho si ANGELI

    MAY kasabihan nga tayo na YOLO, “You Only Live Once.” Kaya dapat wag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Pero minsan, sa kagustuhan nating masubukan ang lahat, nalilimutan natin na may mga bagay na hindi natin dapat gawin. Panoorin kung paanong makikipaglaro sa apoy ang tatlong taong mapusok at mapangahas sa pinakabagong Vivamax Original […]

  • Ads April 17, 2024

  • Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco

    INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo.     Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito.     Papalo […]