• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donaire aminadong nayanig kay Inoue

INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakama­lakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career.

 

 

Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa Saitama, Japan.

 

 

Dahil dito, si Inoue na ang nagmamay-ari ng tatlong korona — ang WBC, ang World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF).

 

 

“That was the hardest punch I’ve ever been hit with. I came up completely blank,” pahayag ni Donaire.

 

 

Sinubukan nitong ma­kipagsabayan subalit hindi nito nagawang makasabay sa bilis at liksi ng Japanese pug.

 

 

“When I got hit I didn’t even know I got dropped. I didn’t see that punch co­ming at all because I was trying to counter him and got caught. That was pretty much it,” ani Donaire.

 

 

Pinuri ni Donaire ang magandang ipinamalas ni Inoue na tunay na naghanda sa laban.

 

 

“He’s an amazing fighter and I’m glad I got to share the ring with him. Inoue got me really good and I’m glad the referee stopped the fight as I was always going to stand up — I just don’t have any quit in me,” ani Donaire.

 

 

Sa kabila ng kabiguan, masaya na si Donaire na wala  itong tinamong ma­tinding injury at ligtas ito sa anumang kapahamakan.

Other News
  • Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez

    “Public interest is higher than personal interest,”     Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19.     Ipinanukala kasi  ng pribadong […]

  • WELCOME THE NEW YEAR WITH WHIMSY AND FANTASY WITH “THE BOY AND THE HERON,” THE FIRST HAYAO MIYAZAKI FILM TO BE SHOWN IN PHILIPPINE CINEMAS

    “THE Boy and the Heron,” Academy Award winner Hayao Miyazaki’s latest masterpiece, will open in Philippine cinemas January 8.     The film, a deeply personal project for the acclaimed filmmaker, is the first Miyazaki film to be shown on the big screen in the Philippines.     Fans of Miyazaki have been eagerly awaiting […]

  • Power struggle sa Kongreso, posibleng magtagal pa kung hindi pa nagbabala si Pangulong Duterte sa mga nagbabangayang personalidad – Malakanyang

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na mas humaba pa sana ang tensiyon ng awayan sa kapangyarihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung hindi pa nagsalita kamakailan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaaring magtagal pa ang agawan sa puwesto kung hindi nagbigay ng mensahe ang Presidente sa mga sangkot na personalidad. […]