• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Power struggle sa Kongreso, posibleng magtagal pa kung hindi pa nagbabala si Pangulong Duterte sa mga nagbabangayang personalidad – Malakanyang

KUMBINSIDO ang Malakanyang na mas humaba pa sana ang tensiyon ng awayan sa kapangyarihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung hindi pa nagsalita kamakailan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaaring magtagal pa ang agawan sa puwesto kung hindi nagbigay ng mensahe ang Presidente sa mga sangkot na personalidad.

 

Mabuti naman ayon kay Sec. Roque at nakuha ng mga kinauukulan ang mensaheng nais ipaabot ng Chief Executive na ang gusto lang naman ay maipasa ang proposed 2021 national budget.

 

Kung hindi po siguro dahil dito ay lalo pang napahaba iyong agawan sa puwesto,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya, nagpapasalamat ang Malakanyang sa Kongreso bunsod ng naging tugon nito sa panawagan ng Chief Executive.

 

Nakuha naman aniya ng mga kongresista ang pahiwatig ng Presidente na ang habol ay ang pondong magagamit ng pamahalaan sa susunod na taon habang wala itong pakialam sa pulitika.

 

Magugunitang, nagbabala ang Pangulo kamakailan na kung hindi maaayos ang gulo sa Kamara ay siya na ang gagawa ng aksiyon na may kinalaman sa budget ng bansa na gagamitin sa 2021.

Other News
  • Ads September 16, 2022

  • Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’

    Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay.   “We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules.   Inulan ng reklamo at […]

  • 18 sa 20 LEDAC bills aprub na sa Kamara

    INIULAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaprubahan na ng Kamara ang 18 sa 20 panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).     Ayon kay Romualdez, mas maaga ng tatlong buwan sa deadline natapos ng Kamara ang mga panukala na tinukoy na bibigyang prayoridad na maisabatas sa pagpupulong ng […]