Donaire tutok sa training camp
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Todo ensayo na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ilang araw bago ang pagbabalik-aksyon nito kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa Disyembre 19 (Disyembre 20 sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Montville, Connecticut.
Kabilang sa mga tinututukan ang diet ni Donaire upang matiyak na tama ang nutrisyong nakukuha nito sa kanyang mga kinakain.
Bago magsimula ang training camp, naglalaro sa 127 hanggang 130 pounds ang kanyang timbang ngunit mabilis itong napababa ni Donaire sa catch weight na 118 pounds.
Sumailalim din sa ma-titinding sparring sessions ang 38-anyos Pinoy pug upang masiguro na siyento por siyento ang kahandaan nito bago sumalang sa laban.
Iniiwasan ni Donaire na matulad kay World Boxing Council (WBC) champion Nordine Oubaali na magugunitang tinamaan ng COVID-19 dahilan upang maudlot ang kanilang paghaharap.
Nakatakda sana ang laban nina Donaire at Oubaali sa Disyembre 12 subalit ipinagpaliban ito dahil sa sitwasyon ng French boxer.
Idineklara ng WBC bilang world champion “in-recess” si Oubaali.
Naging kapalit ni Oubaali si Rodriguez bilang kalaban ni Donaire.
-
Casimero-Inoue sa December 11
Inihayag ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na makakasagupa nito si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue sa Disyembre 11. Mismong si Casimero ang naglabas ng statement sa kanyang YouTube account kung saan ipinaramdam nito ang excitement na makaharap ang Japanese fighter […]
-
2 PATAY, 2 SUGATAN SA PANANAKSAK NG KAINUMAN
DEDO ang dalawang katao habang malubha namang nasugatan ang dalawa pa matapos pagsasakakin ng isang mister na kanilang nakainuman sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala nina Caloocan police homicide investigators PSSg Jenny Ryan Rodriguez at PCpl Romnick Fabroa ang nasawing mga biktima na si alyas Ben at alyas Michael Talastas habang ginagamot naman […]
-
DOH: Na-maximize namin ang 2-week MECQ para sa ‘recalibration’ ng strategies vs COVID-19
Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na nasulit nila ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) dito sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, para mapunan ang ilang kakulangan sa responde ng bansa sa pandemic na COVID-19. Pahayag ito ng DOH kasabay nang pagbabalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) […]