• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donasyon para sa binagyo, dumagsa sa Maynila

Dumagsa ang libu-libong donasyon sa isinagawang ‘donation drive’ ni Manila City Mayor Isko Moreno para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

 

 

Daan-daang sako ng bigas at mga donasyong pagkain ang dinala ng mga may mabubuting-loob na mamamayan sa repacking station sa P. Noval Street sa Maynila na dinagsa rin ng mga volunteers.

 

 

Pinasalamatan ni Moreno ang mga donors at kaniyang mga tagasuporta sa pagtugon sa kaniyang panawagan ng tulong sa mga kababayan.

 

 

Nitong Biyernes lamang inilunsad ni Moreno ang “Tulong ng Manilenyo sa mga Nasalanta ni Odette donation drive” kasabay ng apela sa mga negosyanteng Manilenyo na mag-ambagan.

 

 

“Maraming Salamat sa mga nagpadala ng tulong! Tuloy-tuloy po ang ating isinasagawang Bayanihan para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao,” ayon kay Moreno.

 

 

Una na ring inaprubahan ng Sangguniang Pa­nglungsod sa pangunguna ni Vice-Mayor Honey Lacuña ang pagpapalabas ng P2.5 milyong pondo na itutulong sa mga nasalanta.

 

 

Hahatiin ito ang P1 milyon para sa Cebu, P500,000 sa Bohol, P500,000 sa Leyte, at P500,000 sa Surigao del Norte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads December 27, 2022

  • Makati City gov’t kinontra ang naging findings na mataas ang kaso ng hawaan ng COVID-19

    KINONTRA ng lungsod ng Makati ang inilabas na findings ng ilang eksperto na mataas ang kaso ng hawaan ng coronavirus sa nasabing lungsod.   Sinabi ni Atty. Michael “Don” Camina ang tagapagsalita ng lungsod ng Makati, nagulat sila kung bakit nakasama sila sa OCTA Research Team na isa sila sa areas of concern.   Base […]

  • Kinatay na motorsiklo natunton dahil sa social media

    SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon.     Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y […]