• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DongYan fans, walang dapat ipag-alala: DINGDONG, natsi-tsismis na namang may babae na malinaw na haka-haka lang

HINDI kami halos makapaniwala na simula sa pagiging child actress at five years old at halos napakaraming nagawang teleserye sa ABS-CBN, bukod pa sa suki rin dati ng ‘Maalaala Mo Kaya’, unang lead role pa lang pala talaga ni Jane Oineza ang “Nag-aapoy na Damdamin” na magsisimulang mapanood ngayong Lunes, July 24 sa Kapamilya Gold.

 

 

 

Ito ang hudyat ng pagbabalik ng panghapong teleserye ng ABS-CBN kunsaan, back-to-back naman sa “Pira-Pirasong Paraiso.”

 

 

 

Ang maganda kay Jane, kahit nga kasabayan niya noon mula sa ‘Goin’ Bulilit’ sina Julia Montes, followed by Kathryn Bernardo at talagang nabigyan agad ng mga opportunities at sumikat ng husto, hindi raw talaga siya nakaramdam ng inggit o nagtatanong bakit ang mga ito, nagbibida na, siya, hindi pa.

 

 

 

‘Yung attitude raw siguro niya na hindi siya sumusuko at fighting lang palagi.

 

 

And true enough, ngayong dumating na nga ang opportunity na siya na ang bida kunsaan, kasama niya rin sina JC de Vera, Tony Labrusca at Ria Atayde, sobrang saya ni Jane at talagang nasabi niya raw na hindi niya sasayangin ang opportunity na ibinigay sa kanya ng network.

 

 

 

Game rin si Jane sa kahit anong ipagawa raw sa kanya dahil una, tiwala raw siya sa network at sa kanilang director na si Direk FM Reyes. Hindi rin isyu ang relasyon nila ni RK Bagatsing.

 

 

 

In fact, kuwento ni Jane, nanood pa si RK sa naging red carpet premiere nila.

 

 

 

“Suportado namin ni RK ang isa’t-isa, lalo na sa career. Kaya happy kami sa kung ano ang project ng bawat isa sa amin.”

 

 

 

At bukod pa sa pinagbibidahang teleserye, may natapos na rin pala silang movie ni RK, ang “Switch” sa MAVX Productions at ipalalabas naman na sa August 30.

 

 

 

Kaya kahit happy ang lovelife, pareho raw sila ni RK ngayon na career talaga ang focus.

 

 

 

***

 

 

 

ANG daming nagdi-DM (direct message) sa amin na mga fan ng DongYan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

 

 

 

Nagtatanong sila kung ano raw ba talaga ang totoo sa blind-item na may babae si Dingdong.

 

 

 

Kasi raw, kahit na blind-item ito ni Ogie Diaz noong una pagkatapos ay sinabing hindi ito si Dingdong, ‘yung mga clues daw ay leading sa dalawa. So, naba-bother sila kung totoo. Kawawa naman daw si Marian at ang dalawang anak nila na sina Zia at Sixto Dantes.

 

 

 

Ang totoo, hindi na kami nag-attempt na i-message naman si Dingdong dahil sure na kami, baka mas mag-react pa ito na nagtatanong pa kami, huh!

 

 

 

Kasi, malinaw naman na wala talagang katotohanan ang ganitong mga haka-haka. Una sa lahat, parang mag-boyfriend-girlfriend pa lang sina Dingdong at Marian, hindi na naman nawala ang mga ganyang issue. Pero napatunayan din na walang basis.

 

 

 

Lalo na ngayon na parehong sinasabi nina Dingdong at Marian kung gaano sila kasaya bilang isang pamilya.

 

 

 

Hmmm… ano ba ito, gimmick na ba agad dahil may pelikulang pagtatambalan ang dalawa, ang “Rewind” na ipapalabas sa MMFF 2023?

 

 

 

Ang aga naman ha!

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Nang makitang sobrang cute ni Maria; MAJA, game na game na mabuntis kahit sobrang nahirapan

    ANIM na buwan namalagi si Maja Salvador sa Canada before, during and after niyang maipanganak ang baby nila ng Mister na si Rambo Nuñez na si Maria Reanna. Sobrang nahirapan si Maja sa panganganak kaya parang payag si Rambo kung hindi na siya mabuntis muli. Pero sey ni Maja, nang makita raw niya ang anak […]

  • Ads July 17, 2020

  • DINGDONG, habambuhay nang nakaukit sa pagkatao ang pagiging Kapuso; MARIAN, teary-eyed habang inaalala ang journey niya

    PAREHONG naglabas ng video ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang pagpapatunay na sila ay “Proud to be Kapuso.”     Parehong mga nagsimula sa kanilang showbiz career bilang mga Kapuso talaga. Si Dingdong ay 25 years na habang si Marian naman ay almost 20 years na.     Halos mahigit sa kalahati na […]