Door-to-door pantry inirekomenda
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ihatid na lamang sa mga bahay ng pantry organizers ang kanilang mga donated goods upang hindi na maglabasan pa ang mga tao partikular ng mga senior citizens at makaiwas sa virus ng COVID-19.
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang lahat ng pag-iingat ay kailangang gawin ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at ng bawat sibilyan upang hindi na kumalat pa ang virus.
Sinabi ni Olay na handang magbigay ng seguridad ang pulis sa pagdadala ng mga pangangailangan ng mga Filipino. Hindi na kailangan pang pumila sa mga community pantry at iwas aksidente.
“Maganda rin yung suggestion na yan na i-bahay-bahay na lang para hindi na maglabasan ang mga tao sa daan,” ani Olay.
Binigyan-diin din ni Olay na pabor din sila sa suhestiyon na payagan ang mga kamag-anak ng mga senior citizens na kuhanin ang mga basic goods sa community pantries dahil hindi pa rin pinapayagan na lumabas ang mga nasa 18-anyos pababa at 65- anyos pataas.
“Tama ‘yan nasa MECQ pa rin tayo at batay sa panuntunan ng IATF, ang mga 18 years old o mas bata, 65 years old o mas matanda hindi muna lalabas sa tahanan,” dagdag pa ni Olay.
Samantala, sinabi ni Olay na dapat na tiyakin ng mga pantry organizers na may koordinasyon ang kanilang community pantry sa mga local government units.
Aniya, dapat na maging aral ang nangyaring insidente sa isinagawang community pantry ng actres na si Angel Locsin. Humingi na ng paumanhin ang aktres sa nasabing pangyayari. (Gene Adsuara)
-
MMDA, nagpaalala sa publiko kaugnay sa matinding trapiko simula ngayong araw
NAGPAALALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat asahan ang matinding trapiko sa 27th Asean Labor Ministers’ meeting simula Oktubre 25, ngayong araw. Nauna nang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Asean event ay gaganapin hanggang Oktubre 29 sa Taguig City. Sa pagsasagawa ng kaganapan, inaasahang […]
-
Nagsimula na ang workshop para sa kanilang movie: SHARON at ALDEN, tuloy na ang pagtatambal at gaganap na mag-ina
TULOY na tuloy na ang first time na pagtatambal nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Si Sharon ang nag-post sa kanyang Facebook at Instagram ng: “My new movie is under Cineko Productions and Direk @directfromncn with a script by Mel del Rosario – co-starring my new movie son, the […]
-
Bangsamoro leaders, kinonsulta sa bagong lagda na Anti-terror bill
TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti, Terrorism Bill. Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council. Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary […]