• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOST, DOH MAKIKIPAGPULONG SA MANUFACTURER NG COVID 19 SA RUSSIA

MAKIKIPAGPULONG ang mga kjnatawan ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) sa Gamaleya Institute, ang manufacturer ng Russia coronavirus disease (COVID-19) vaccine,para pag usapan ang possibleng pakikilahok ng Pilipinas sa vaccine clinical trials.

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na ang DOST ,ang magiging lead agency sa government COVID-19 vaccine panel,sa Gamaleya para pag usapan ang magiging papel ng bansa sa  Phase 3 ng vaccine clinical trials.

 

Ang naturang stage ay kung saan libong oasyentr ang babakunahan para matiyak ang kaligtasan at kung epektibo ang vaccine.

 

Una nang inianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na inaorubahan na ng Moscow at inirehistri na ang vaccine para sa COVID-19 na nakapanghawa na ng may 20 milyon at kumitil sa buhay ng may 738,000 katao sa mundo.

 

Tiniyal naman ng DOH na ang Russian vaccine ay isasailalim sa regulatory process sa sandaling dumating sa Pilipinas.

 

“We can ensure the public na atin itong padadaanin sa mga procedures natin here sa Pilipinas even though dumaan na ‘yan sa regulatory procudures sa Russia…It’s different when it arrives here in the country,” ayon kay Vergeire.

 

Ipinaliwanag naman ni Vergeire na ang clunical trials na isinasagawa sa iba’t ibang vaccune ay iba sa gagawing “mass

inoculation ” gobyerno na ipatutupad sa sandaling ang isang vaccine ay inaprubahan pata magamit ng publiko.

 

“Kailangan nating madifferentiate itong pumapasok na trials ngayon, [The clinical trials we have now,] these would be done to thousands of our citizens, but this is still not the exact allocation when you have the approved vaccine,”dagdag oa ng opisyal.

 

Kaugnay nito,sinabi nj Verheire na ang Pilipinas ay magpapatupad ng 9 na buwan clinical trial ng Jaoanese Avigan sa

Philippine General Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez, Sta. Ana Hospital, at Quirino Memorial and Medical Center.

 

Bukod dito,ang Pilipinas ay bahagi ng World Health Organization’s Solidarity Trial. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez

    INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto.   Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr.   Ani Galvez, inaasahan niyang […]

  • Mr. Football, Ms. Golf sa PSA award

    MAY dalawa pang magagaling na atleta sa katauhan nina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan ang special awardee sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa papasok na buwan.   Igagawad kay Schrock ang ng Mr. Football award, habang si Pagdanganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf sa SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng […]

  • 8 arestado sa tupada sa Malabon

    WALONG katao ang natimbog matapos salakayin ng mga awtoridad ang illegal na tupadahan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.     Ayon kay PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang mga oparatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jay Dimaandal ng impormasyon hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa […]