DOST, DOH MAKIKIPAGPULONG SA MANUFACTURER NG COVID 19 SA RUSSIA
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
MAKIKIPAGPULONG ang mga kjnatawan ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) sa Gamaleya Institute, ang manufacturer ng Russia coronavirus disease (COVID-19) vaccine,para pag usapan ang possibleng pakikilahok ng Pilipinas sa vaccine clinical trials.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na ang DOST ,ang magiging lead agency sa government COVID-19 vaccine panel,sa Gamaleya para pag usapan ang magiging papel ng bansa sa Phase 3 ng vaccine clinical trials.
Ang naturang stage ay kung saan libong oasyentr ang babakunahan para matiyak ang kaligtasan at kung epektibo ang vaccine.
Una nang inianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na inaorubahan na ng Moscow at inirehistri na ang vaccine para sa COVID-19 na nakapanghawa na ng may 20 milyon at kumitil sa buhay ng may 738,000 katao sa mundo.
Tiniyal naman ng DOH na ang Russian vaccine ay isasailalim sa regulatory process sa sandaling dumating sa Pilipinas.
“We can ensure the public na atin itong padadaanin sa mga procedures natin here sa Pilipinas even though dumaan na ‘yan sa regulatory procudures sa Russia…It’s different when it arrives here in the country,” ayon kay Vergeire.
Ipinaliwanag naman ni Vergeire na ang clunical trials na isinasagawa sa iba’t ibang vaccune ay iba sa gagawing “mass
inoculation ” gobyerno na ipatutupad sa sandaling ang isang vaccine ay inaprubahan pata magamit ng publiko.
“Kailangan nating madifferentiate itong pumapasok na trials ngayon, [The clinical trials we have now,] these would be done to thousands of our citizens, but this is still not the exact allocation when you have the approved vaccine,”dagdag oa ng opisyal.
Kaugnay nito,sinabi nj Verheire na ang Pilipinas ay magpapatupad ng 9 na buwan clinical trial ng Jaoanese Avigan sa
Philippine General Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez, Sta. Ana Hospital, at Quirino Memorial and Medical Center.
Bukod dito,ang Pilipinas ay bahagi ng World Health Organization’s Solidarity Trial. (GENE ADSUARA)
-
Halos 1-K mga protesters sa Russia inaresto
NASA halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa. Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong. Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine. […]
-
Matapos nakumpirmang hiwalay na: BEA, balitang binalik na ang ‘engagement ring’ nila ni DOMINIC
SA harap ng mga espekulasyon, sinabi ng TV host na si Boy Abunda na hiwalay na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Inihayag ito ni Tito Boy sa kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraang Martes. “Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol […]
-
34 border checkpoints inilatag sa Metro Manila
TATLUMPU’T apat na border checkpoint ang inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila sa gitna na rin nang pagsipa ng kaso ng COVID-19. Layon nito na imonitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols. Ayon kay NCRPO Chief P/Major Gen. Vicente […]