• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOST, nakipag-sanib-puwersa sa US firm para sa paggamit ng AI para sa weather forecasting

LUMAGDA ang Department of Science and Technology (DOST)  ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang  United States-based company, ‘Atmo,’ dalubhasa sa  AI-guided weather forecasting.

 

 

Sinabi ni DOST Assistant Secretary Napoleon Juanillo na layon ng departamento na mapahusay at makapagbigay ng mas detalyadong daily weather forecasts sa pamamagitan ng  artificial intelligence (AI) technology

 

 

Ito’y ginanap sa  US-ASEAN Business 2023 Philippine Business Mission meeting noong Agosto 9, 2023, sa Marriott Hotel sa Maynila.

 

 

Sinabi ni Juanillo na ang US-ASEAN Business Council ay mayroong 175 kinatawan  mula US-based companies, kabilang na ang Atmo.

 

 

“Meron silang mga cutting edges na makakatulong sa ating mga problema sa climate change challenges. Benepisyo ‘yan sa atin lalo na sa mga magsasaka, kapag sinabi ng AI climate forecasting ay talagang mas accurate, granular at talagang ‘yung predictability at accuracy ng mga datos na mas magagamit ng ating mga magsasaka, pati mga mangingisda,” ayon kay Juanillo.

 

 

Aniya, nagtatag ang kompanya ng pakikipag-ugnayan sa  state weather bureau PAGASA para tulungan ito na makapagbigay ng mas  akmang  forecasts.

 

 

“Para kahit ang pinakamaliit na datos ang pwede nating makuha para maiakma ang mga prediction and estimates, lalo na’t laging hinahamon ang ating bansa o kahit sa mga normal na araw,” ang wika ni Juanillo.

 

 

“    So akmang-akma dito sa ating nararanasang bagyo at iba pang mga hazards kaya siguro ‘pag medyo ganyan nagbebenefit tayo o nagkakaroon ng kooperasyon sa mga pribadong kumpanyang ito, nagbebenefit din ang ating mga scientists, experts at mga estudyante,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“So akmang-akma dito sa ating nararanasang bagyo at iba pang mga hazards kaya siguro ‘pag medyo ganyan nagbebenefit tayo o nagkakaroon ng kooperasyon sa mga pribadong kumpanyang ito, nagbebenefit din ang ating mga scientists, experts at mga estudyante,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, binanggit din ng DOST na maraming  US-based companies ang nagpahayag ng interest sa pakikipagtuwang at kolaborasyon sa iba’t ibang larangan gaya ng health care, agrikultura , at climate change. (Daris Jose)

Other News
  • Taika Waititi Talks About Giving Natalie Portman’s Jane Foster A More Powerful Role

    Thor: Love And Thunder director Taika Waititi explains why he’s bringing Jane Foster back for the latest Marvel Cinematic Universe film. Natalie Portman joined the MCU as Jane in the franchise’s early days in 2011’s Thor.      Jane’s background as an astrophysicist makes her a helpful ally for Chris Hemsworth’s God of Thunder considering his mythical background isn’t […]

  • Lithuanian player tumutulong sa Gilas

    MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania. Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup. […]

  • PAUL, iba rin ang naging pasabog sa pag-post ng bagong underwear campaign

    IBA ang naging pasabog ni Paul Salas noong nag-turn 23 years old noong nakaraang Biyernes.     Ito ay ang pag-post niya ng bagong underwear campaign niya for Bench Body.     Pinaglaway ng Kapuso hunk ang mga beki netizens sa bagong sexy pictorial niya kunsaan suot niya ay black and gray underwear.     […]