• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lithuanian player tumutulong sa Gilas

MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup.
Isa na rito ang depensa.
“There’s a lot of room for growth and improvement for the next two months. Defensively, he’s a fundamental coach, teaches good foundation on defense. He can give us other things that can help us moving forward,” ani Reyes.
Malalim ang karanasan ni Sirvydis na siyang ama ni NBA G League player Devidas Sirvydis.
Iginiit ni Sirvydis na kailangang patatagin ng Gilas Pilipinas ang depensa nito upang makipagsabayan sa matitikas na tropa sa World Cup.
“We got to fix up (our transition) and get back on defense to make sure we know exactly what we want to do. He (Sirvydis) coaches in one of the club teams in Lithuania and has coached internationally in Kazakhstan with Astana. More importantly, I like his philosophies defensively,” dagdag ni Reyes.
Nasaksihan ni Sirvydis ang laro ng Gilas Pilipinas kung saan naipanalo ng Pinoy squad ang dalawang laro nito laban sa Ukraine under-20 team.
“The better our defense becomes, the better our offense as well cause if we defend really well in practice, we can be sharp in our offense as well,” wika pa ni Reyes.
Dalawang tuneup ga­mes pa ang pagdaraanan ng Gilas sa Lithuania.
At umaasa si Reyes na mas magiging maganda ang resulta ng laro ng kanyang bataan partikular na sa depensa.
“I like the situation where we don’t know we will be playing so that we can be adjust, which is a test of our adaptability and our flexibility. And helps us in our ability to make game time adjustments and game time decisions,” dagdag ni Reyes.
Other News
  • Banta ng Delta variant: Mga magulang, pinayuhang ‘wag palabasin mga bata

    Hinihimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga magulang at bantay ng mga bata na kung maaari ay panatilihin na lamang sa loob ng bahay ang mga menor de edad.     Ito’y sa harap na rin nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Delta variant cases at habang pinag-aaralan pa ng […]

  • De-kalidad dapat ang quality ng films para makapasok sa Netflix: Chair LIZA, nananawagan ng suporta para sa film industry mula sa gobyerno

    SABI ni Chair Liza Dino, kailangan ng support film industry ng support ng gobyerno, lalo na sa financial needs.     Para raw makatiyak na magiging competitive ang mga pelikula natin ay dapat may funding ito mula sa gobyerno. Let’s face the sad reality na hindi masyadong pinapansin ng gobyerno ang entertainment industry.     […]

  • Fil-Canadian tennis player Leylah Fernandez pasok na sa semis ng US Open

    Pasok na sa semifinals ng US Open si Filipina-Canadian Leylah Fernandez.     Ito ay matapos na talunin si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine sa score 6-3, 3-6, 7-6 (5).     Magugunitang tinalo ni Fernandez sa mga unang round ng torneo ang top seed players gaya nina Naomi Osaka at Angelique Kerber.     […]