DOT, naabot na ang 80% ng kabuuang target na tourist arrivals sa 2023
- Published on September 22, 2023
- by @peoplesbalita
NAABOT na ng Kagawaran ng Turismo ang kabuuang 80% ng target nitong 4.8million na turistang papasok sa Pilipinas para sa kabuuan ng taong 2023.
Ito ay matapos maitala ang hanggang 3.8 million na tourist arrivals sa bansa, mula Enero hanggang Setyembre-19, 2023.
Ayon kay Secretary Christina Frasco, ang halos 4 na milyong turista na naitala ng Pilipinas ay tinatayang nakapag-ambag ng hanggang P316.9billion na revenue sa bansa.
Paliwanag ng kalihim, ang pag-angat ng turismo sa buong bansa matapos ang pandemiya, ay nagsimula pa noong 2022.
Sa naturang taon kasi aniya, nakapagtala ang Pilipinas ng hanggang 2.65million na international visitors.
Ito ay 66% na recovery rate at malayong mas mataas kumpara sa international rate na hanggang 54% lamang.
-
PBBM sa Veloso clemency: ‘Malayo pa tayo doon’
“MALAYO pa tayo doon.” Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa posibilidad na pagkakaloob ng ‘executive clemency’ kay Mary Jane Veloso. “We still have to look at really what their status is,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview. “[W]ala namang condition na […]
-
MM, mahihirapan ng manatili sa ilalim ng MECQ-Sec. Roque
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahihirapan ng manatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (mecq) ang Metro Manila pagkatapos ng Agosto 18. Ito’y dahil, patuloy na nauubos na ang resources ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic. “The government no longer has resources to provide aid to poor families in the capital […]
-
PSC inihahanda na ang mga pasilidad para sa Team Philippines
KAILANGAN nang paghandaan ng mga national athletes ang mga darating na international competitions kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at ang 19th Asian Games sa China sa 2023. Kaya naman gagawing 100% operational ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at PhilSports Complex bilang mga main training […]