• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, mahihirapan ng manatili sa ilalim ng MECQ-Sec. Roque

SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahihirapan ng manatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (mecq) ang Metro Manila pagkatapos ng Agosto 18.

Ito’y dahil, patuloy na nauubos na ang resources ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic.

“The government no longer has resources to provide aid to poor families in the capital region and neighboring economic hubs should the strict lockdown be extended,: ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Giit ni Sec. Roque na sa tingin niya ay mahihirapang manatili sa MECQ ang bansa dahil nga wala ng pang-ayuda ang gobyerno,

“Ano naman ang gagawin natin sa ating mga kababayan kung hindi sila pupwedeng magtrabaho at wala ng pang-ayuda?” diing pahayag ni Sec. Roque.

Matatandaang, noong Agosto 4 ay ibinalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mecq ang National Capital Region (NCR) at mga karatig- lalawigan gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal makaraang umapela at sumigaw ng ‘timeout’ ang mga health workers bunsod ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.

Pagkakataon din ito para sa pamahalaan para i-recalibrate ang COVID-19 pandemic response strategy ng gobyerno.

At habang nasa MECQ ay inaasahan na matutulungan ang pagbagal ng pagkalat ng virus at inaasahan din na mababago nito ang kabuhayan ng mga Filipino lalo pa’t 70 porsiyento ng ekonomiya ay naka-base sa capital region at sa mga nakapalibot na lalawigan.

“Bottom line is wala na tayong pang-ayuda,” ayon kay Sec. Roque.

Samantala, mayorya ng bahagi ng Pilipinas ay isinailalim sa quarantine simula pa noong mid-March para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, na naunang naitala sa bansa noong Enero 30 kung saan ay may isang babae ang dumating sa bansa mula Wuhan, China kung saan pinaniniwalaang unang nagkaroon ng sakit.

Sa kabila ng pagpapatupad ng isa sa pinakamahigpit at pinakamahabang lockdowns sa buong mundo, ang Pilipinas ay patuloy na nakikipagpambuno sa pagsirit ng infections. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)