• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: BBM pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel

BINIGYAN ng go-signal ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpapatuloy ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus rides hanggang katapusan ng taon.

 

 

 

Pinalawig pa ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang nararanasan na financial burden ng mga consumers mula sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

 

 

 

“The President signed the memorandum drafted by the Department of Transportation (DOTr), which said it considered the availability of the budget for service contracting under the 2022 General Appropriations Act for the extension of the free bus rides that started in April,” wika ng DOTr.

 

 

 

Kasama rin sa nasabing memorandum ang pagbibigay ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1 at Philippine National Railways (PNR) na magsisimula ngayon August kapag nagbukas na ang face-to-face na klase ng mga paaralan.

 

 

 

Nasa ilalim din ng nasabing memorandum na tinatapos na ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT 3. Kinakailangan gawin ito sapagkat sa ngayon ang MRT 3 fare ay heavily subsidized na ng pamahalaan.

 

 

 

Ang nasabing libreng sakay naman sa mga rail lines ay magsisimula sa August. 22 hanggang November 4 para lamang sa mga estudyante. Wala pa naman konkretong mechanics ang nilalabas ng DOTr para sa pagpapatupad ng nasabing libreng sakay.

 

 

 

Inaasahan ng Department of Education na may mahigit kumulang sa 38,000 na mga paaralan ang magbubukas ng face-to-face classes ngayon darating na pasukan.

 

 

 

“The move will ease the burden of rising living expenses on Filipino families and help them save money – especially with the return of face-to-face classes after more than two years,” dagdag ng DOTr.

 

 

 

Ang libreng sakay sa MRT 3 ay nakatulong sa mahigit na 28.62 million na pasahero na sumakay mula noong March hanggang June 30 kung saan nagsimulang tumaas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao lalo na ang pagkain.

 

 

 

Gumastos ang DOTr ng mahigit na P500 million para sa programang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT 3.

 

 

 

Samantala, pinahayag din ng DOTr na wala munang mangyayari pagtataas ng pamasahe sa MRT 3. Sa ngayon ang MRT 3 fare ay mula P13 hanggang P28. Ang mga senior citizens ay binibigyan ng 20 porsientong discount.

 

 

 

“These fares are currently subsidized by the rail management. For example, you pay P28, that is not the actual fare. It is even doubled,” saad ni MRT 3 general manager Michael Capati.  LASACMAR

Other News
  • Ilang araw na lang ang hihintayin: DENNIS at JENNYLYN, masisilayan na ang kanilang baby girl

    ILANG araw na lamang ang ipaghihintay ng Kapuso Power Couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, at masisilayan na nila ang kanilang baby girl.     Kaya naman naging aligaga na ang mag-asawa, especially si Jennylyn,  sa maternity photo shoot niya, at siyempre pa, sinamahan din siya ni Dennis for some playful couple snaps with […]

  • Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021

    ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021.   Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito […]

  • Mystery, Dread Surround ‘Don’t Worry Darling’ Official Trailer

    WARNER Bros. Pictures and New Line Cinema have revealed the official trailer of the mystery thriller ‘Don’t Worry Darling‘ directed by Olivia Wilde and starring Florence Pugh, Harry Styles, Olivia Wilde, Gemma Chan, KiKi Layne, and Chris Pine.     Check out the trailer below and watch “Don’t Worry Darling” in Philippine cinemas September 2022. […]