• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Drivers at operators ng mga PUVs dapat sumunod sa seryosong paglilinis ng mga sasakyan

Muling umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) na seryosong maglinis o mag disinfect ng mga kanilang mga sasakyan.

 

 

Hiniling ito ng DOTr matapos na mahuli at makita sa isang video ang tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na mabilis lamang nitong nililinis ang mga coaches o bagun ng MRT 3.

 

 

Kamakailan lamang ay may nag upload ng isang video sa social media kung saan ipinakikita ang dalawang tauhan ng MRT 3 na dali-daling naglilinis at naglalaro pa habang naglilinis sa loob ng MRT 3.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade na ang mga operators at drivers ng mga pampublikong sasakyan ay dapat mas maging masigasig sa paglilinis ng mga sasakyan bilang bahagi ng health protocols laban sa COVID-19.

 

 

“The proper disinfection of public transport vehicles is a key factor in keeping our commuters safe from COVID-19. We should not to be hasty in the cleaning and disinfection of our vehicles,” wika ni Tugade.

 

 

Ayon pa rin sa kay Tugade ang mga commuters ay nagtitiwala na ang jeepneys, buses, at iba pang pampublikong sasakyan na kanilang pinatatakbo ay ligtas at walang virus.

 

 

Dahil sa insidente sa MRT 3 and pamunuan ng MRT 3 ay naglatag ng mga measures upang hindi na maulit ang pangyayari. Ang nasabing mga tauhan ay maaaring matanggal at makasuhan.

 

 

Sa isang liham naman na pinadala ng pamunuan ng MRT3’s maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (MHI)-TES Philippines (TESP) na siyang namamahala sa maintenance ang nagbigay ng paumanhin sa nasabing insidente.

 

 

“We apologize for the incident regarding members of disinfection team not properly doing their job. We will relieve the staff involved within the day while we are proceeding with administrative case,’ ayon kay TESP administration manager Toto Domingo.

 

 

Sinabihan na nila ang buong staff ng maintenance na parating mag observe ng tamang disinfection sapagkat sumailalim naman sila sa isang training at magdadagdag rin ng dalawang staff upang masiguro na sila ay properly supervised.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na ang mga operators at drivers ng pampublikong sasakyan ay hindi lamang dapat magsakay ng mga kanilang pasahero mula sa kanilang tahanan papuntang trabaho kundi responsabilidad din nila na siguruhin na sila ay ligtas at walang karamdaman pag dating nila sa kanilang patutunguhan.

 

 

“As operators and drivers of public transport vehicles, you do not only bring passengers from their homes to their work places and back. You are also given the responsibility to make sure that they are healthy and safe when they arrive at their destinations,” saad ni Tugade.

 

 

Muling pinaalalahanan ni Tugade ang publiko na tumulong upang mawala ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pasunod sa tamang health protocols na pinatutupad sa mga public transportation. Hiniling din niya na isumbong sa mga awtoridad ang hindi sumunod sa health protocols.

 

 

Maaari silang magsumbong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Inter-Agency Council for Traffic, rail transport operators at awtoridad mula sa air at maritime sectors.  (LASACMAR)

Other News
  • Ads July 10, 2024

  • Ads December 16, 2021

  • Expansion ng number coding scheme sa NCR, hindi na kailangan pa – MMDA

    HINDI NA nakikita pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangan pang paliwigin ang number coding scheme sa mga lugaw na nasa ilalim ng Alert Level 1, lalo na sa National Capital Region.     Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kakaunti lamang ang kanilang naitalang mga sasakyang bumabaybay sa EDSA sa unang araw […]