• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr gusto ibaba sa P9 minimum na pasahe sa jeep

IMINUNGKAHI ng Department of Transportation (DOTr) ang ilang diskwento sa pamasahe ng mga pampublikong transportasyon gaya ng jeep, bus at UV Express — pero pansamantala lang ito kapalit ng pagtanggal ng “Libreng Sakay” sa EDSA Carousel.

 

 

Martes nang ibalita ito ng GMA News, bagay na base raw sa memorandum ng DOTr sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board.

 

 

“Pre-pandemic fare matrix will be applied and the provisional fare increases implemented will be covered accordingly by the government,” wika ni Transport Secretary Jaime Bautista sa memo na isinumite kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III.

 

 

Gustong ibaba sa P9 ang minimum na pamasahe, mula sa kasalukuyang P12, sa mga tradisyunal na jeepney habang gusto namang ibaba sa P11 ang ngayo’y P14 minimum sa modern minibuses.

 

 

Tinitingnan ngayon ang P3 hanggang P4 diskwento para sa mga bus habang inaaral pa ang discount fare para sa mga UV Express.

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari habang nakabinbin pa rin ang posibleng phaseout ng mga tradisyunal na jeepney at UV Express matapos ang Disyembre 2023.

 

 

Matatandaang hininto ng Manibela at Piston ang kanilang tigil-pasada matapos ipangako ng gobyerno na aaralin nila ang posibleng pagrebyu ng PUV modernization program.

 

 

“Ang ikokonsidera dito ay yung mga ruta sa buong bansa na pinakamarami ang pasahero,” sabi naman ni Transport Undersecretary Mark Steven Pastor.

 

 

Sa ngayon, nakikitang ititigil ito kapag naubos na ang P2 bilyong pondo para sana sa service contracting program ng LTFRB para sa 2023. Hindi pa naman tiyak sa ngayon kung kailan ipatutupad ang mga nasabing discounted fares.

Other News
  • Construction ng Quezon Memorial Circle station ng MRT 7, pinahinto ni Mayor Belmonte

    PINAHINTO ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon ang above-ground construction ng Quezon Memorial Circle station sa ginagawang Metro Rail Transit Line7 (MRT7).   Pinatigil niya ang construction matapos ang mga environmentalists at historians ay nakita na ang itatayong station ay makasisira sa integridad ng nasabing park.   “The project revealed that the proposed floor area […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa

    SINABI  ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot.     Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target […]

  • Kahit alam na nila pero ‘di pwedeng sabihin: DINGDONG, inaming na-experience nila ang joy of discovering kung sino ang killer

    ANG actress-singer na si Vina Morales ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”  Isa sa unang naitanong kay Vina ay kung naniniwala pa ba siya sa kasal. Medyo nabigla si Vina  pero sagot niya, isa raw iyon sa ipinagdarasal niya, naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya. […]