• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation

NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian.

 

 

Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson Mar Valbuena at journo na si Ira Panganiban.

 

 

“Marami silang accusation na ako raw ay tumanggap ng pera, ng suhol. Hindi naman totoo,” paliwanag ni Bautista sa media ngayong Martes.

 

 

“Gusto ko lang protektahan ‘yung aking pangalan na inalagaan ko for almost 45 years.”

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito sa ikalawang araw ng transport strike ng grupong MANIBELA para isuspindi ang December 31 deadline para sa consolidation ng mga tradisyunal na jeep kaugnay ng PUV Modernization program — bagay na magdudulot ng phaseout nito.

 

 

Matatandaang sinuspindi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III matapos paratangan ng katiwalian.

 

 

Lunes lang nang sabihin ni Valbuena sa panayam ng media na minamadali sila ng ilang opisyal na magkonsolida papasok ng mga kooperatiba o korporasyon, at hinihingiang maglagay ng suhol para mabigyan ng rula, provisional authority at special permit para makabiyahe.

 

 

“Cybercrime daw po ang ikinaso sa atin. Purely harassment sa atin mga ka MANIBELA???????? tuloy ang laban!” wika ng MANIBELA sa isang pahayag sa Facebook ngayong araw.

 

 

Kasalukuyang nagpapatuloy ang tigil-pasada ng MANIBELA, dahilan para magtalaga na ng mga augmentation vehicle at libreng sakay ang gobyerno para sa mga stranded na mananakay.

 

 

Sa kabila nito, naninindigan ang LTFRB at MMDA na hindi naparalisa ng tigil-pasada ang transportasyon nitong Lunes.

 

 

“Based on our monitoring as of 11 am, there was no major disruption of public transportation in Metro Manila,” sabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes kahapon.

 

 

“Kung ang purpose ng strike ay i-paralyze ang public transportation, nabigo po sila. Pero kung ang purpose nila ay magpapansin, siguro nagtagumpay sila sa ganoong aspeto. Nabigyan siya ng airtime, na-interview siya.”

 

 

Ilang local government units at eskwelahan ang una nang nagsuspindi ng face-to-face classes bunsod ng nationwide transport strike. (Daris Jose)

Other News
  • Mga pulis, natuklasan ang ‘kumplikadong mga daanan’, mga armas sa loob ng KOJC estate

      NATUKLASAN ng kapulisan ang mga masalimuot na daanan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.     Ipinresenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin […]

  • Magiging matinding kalaban ni ‘Black Rider’: JON, hanga kay RURU dahil parang ‘di nasasaktan

    PAGKATAPOS ng kanyang pagganap bilang hired assassin sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa ‘Black Rider.’       Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.       Ayon kay Jon, abangan daw ang […]

  • Terorismo sa Pinas, bumaba na

    IPINAGMALAKI  ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon.       Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]