DOTr ipinagpaliban sa Oct. 1 ang implementasyon ng bagong regulasyon sa toll
- Published on August 30, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAGPALIBAN sa October 1 ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng bagong regulasyon tungkol sa mga toll expressways.
Ang binagong regulasyon ay nakalagay sa Joint Memorandum Circular (JCM) 2024-01 na nilagdaan nina Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor Mendoza II at Toll Regulatory Board (TRB) executive director Alvin Carullo noong August 1.
“We hope the concerned agencies and tollway operators would use the 30-day deferment to fine tune expressway operations and further intensify the public information campaign to enable tollway users to comply with the new guidelines. The revised guidelines should significantly improve traffic along expressway through cashless or contactless toll plazas,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.
Ngayong August 31 na sana ipapatupad ang nasabing bagong regulasyon tungkol sa toll subalit ipinagpaliban ito.
Sa ilalim ng JMC, binibigyan ng multa ang kakulangan ng mga nakalagay na toll collection (ETC) device o di kaya ang hindi sapat na load balance sa mga sasakyan na may radio frequency identification device (RFID). Palalakasain rin ng LTO ang deputization ng mga tollway enforcers ng 2 grupo ng tollway operators.
Ating matatandaan na noong 2021 ng ipinag-utos ng TRB ang pagkakaroon ng cashless expressway sa pamamagitan ng paglalagay ng isang exit lane para sa cash transactions sa mga toll plazas upang sundin ang kautusan mula sa DOTr.
Tinatawagan naman ni Bautista ang mga motorista na suportahan ang bagong regulasyon sa pamamagitan ng pagsunod sa JMC na kung saan ang mga expressways ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng TRB.
Sa ilalim ng bagong regulasyon, ang isang motorista na papasok sa toll roads na walang valid na RFID o ETC device kasama na ang pagkakaroon ng dilapidated na ETC ay mumultahan bilang “No Valid ETC Device” na may kaukulang multa: Unang di pagsunod – P1,000; Ikalawang di pagsunod – P2,000; at mga kasunod na di pagsunod – P5,000 kada offense.
Habang ang mga motorista na lalabas ng mga expressways na may insufficient balance ay mumultahan bilang “insufficient load” na may kaukulang multa: Unang di pagsunod -P 500; Ikalawang di pagsunod – P1,000, at mga kasunod na di pagsunod – P2,500 kada offense.
Ang gumagamit naman ng fraudulent, tampered o fake na RFID at e-card sa pagpasok at paglabas ng toll expressway bibigyan ng multa bilang “Fraudulent or Falsified ETC” na may kaukulang multa na: Unang pagkahuli – P1,000; Ikalawang pagkahuli – P2,000; at Kasunod na pagkahuli – P 5,000 kada offense.
“Erring motorists with RFID-related violations represent 9% of all the motorists using the toll expressways who are unfortunately are the ones causing the unnecessary delays and long queues at the toll plazas,” saad ni Carullo. LASACMAR
-
Gobyerno, binawasan ang pagtaas ng monthly rent para sa residential units
NAGTAKDA ang National Human Settlements Board (NHSB) ng maximum na 2.3% increase sa renta para sa residential units na may monthly rate na P10,000 o mas mababa pa, mula sa 4% cap noong nakaraang taon. Ang maximum increase sa monthly rentals para sa residential units ay epektibo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, base […]
-
Protektahan ang buhay ng mga Bata sa pamamagitan ng Pagbabakuna
NANG gumaling sa tigdas ang limang buwang gulang anak ni Ginang Marissa Santos, naisip niya na iyon na ang huling pagkakataon na haharap ang kanyang anak sa virus na nagdudulot ng tigdas. Pagkalipas ng anim na taon, nagsimulang magpakita ang anak ni Ginang Santos ng mga sintomas ng isang bihira at malubhang komplikasyon na dulot […]
-
Ads July 20, 2024